in

Positivity rate, tumaas sa 6.9%. Siyam na rehiyon, marahil sumailalim sa zona rossa.

Positivity rate, tumaas sa 6.9%. Siyam na rehiyon, marahil sumailalim sa zona rossa

Tumaas sa 6.9% ngayong araw ang positivity rate sa Italya mula sa 6.2% na naitala kahapon ayon sa Ministry of Health.

Pumalo naman sa 25, 673 ang mga bagong kso ng covid19 sa huling 24 oras. Kahapon, Miyerkules ay nagtala ng bilang na 22,409. Ang mga naitalang namatay ngayong araw ay 373, kahaon ay 332. Umabot naman sa 372,217 ang mga tested individuals sa pamamagitan ng tamponi molecolari at antigenici, kahapon, ay 361,040.

Narito ang mga Rehiyon na nagtala ng mataas na bilang ng mga positibo

  • Lombardia – 5,849
  • Campania – 2,981
  • Emilia Romagna – 2,845
  • Piemonte – 2, 322
  • Lazio – 1,800
  • Veneto – 1,677
  • Puglia – 1,634
  • Toscana 1,302

Siyam na rehiyon, marahil sumailalim sa zona rossa

Sa Italya ay inaasahan nang mangingibabaw ang kulay rosso (o pula) at arancione (o kahel). Ito ay dahil sa muling pagdami ng mga naitalang bagong kaso ng covid19 na nabanggit sa itaas at kasabay nito, ang pagkalat ng mga bagong variants sa bansa. 

Bukas, araw ng Biyernes, tulad ng nagaganap linggo-linggo, ay naglalabas ng weekly monitoring ang Istituto Superiore di Sanità (ISS) na magiging basehan ng ordinansa ni Health Minister Roberto Speranza sa pagpapalit ng ‘kulay’ ng mga rehiyon. 

Sa pagkakaroon ng Rt na 1, ay sasailalim sa zona arancione, at sa pagkakaroon ng Rt na 1,25 ay sasailalim naman sa zona rossa. 

Kung makukumpirma ang mga datos, maliban sa Sardegna sa zona bianca, marahil ay mananatili na lamang sa zona gialla ang rehiyon ng Sicilia. Siyam na rehiyon naman ang nanganganib na sumailalim sa zona rossa. 

Ang mga rehiyon ng Umbria, Liguria, Puglia at Valle d’Aosta ay ang marahil na mananatili sa zona arancione. Nanganganib naman ang  Abruzzo at Toscana.  

Samantala, ang mga rehiyon ng Piemonte, Lombardia, EmiliaRomagna, Friuli Venezia Giulia at Marche ay nanganganib na sumailalimzona rossa. 

Ang Rt ng Lazio ay marahil nasa 1,3. Ang Veneto naman ay nasa pagitan ng arancione at rossa. Marahil pati ang Calabria, PA di Trento at Bolzano ay sasailalim sa zona rossa. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako ay Pilipino

Italian citizenship by residency, sino at paano mag-aplay sa taong 2021

Ako ay Pilipino

Astrazeneca, pinaghihinalaang may dulot na masamang side effect