in

Green pass, ano ito?

Pass, ano ito?

Ito ay isang ‘certificate’ na magpapahintulot na mapabilis ang ligtas na muling pagbibiyahe sa loob ng Europa sa panahon ng pandemya. Ito ay libre, sa format na digital o papel. Mayroon din itong isang QR code upang matiyak ang seguridad at pagiging tunay ng sertipiko. Ito ay panukalang isinulong ng Komisyon ng Europa na magtatalaga ng common frame of reference. Ang panukala, kung saan hindi lahat ng mga gobyerno ay sang-ayon, ay tatalakayin sa susunod na linggo sa pagpupulong ng mga lider ng Europa.

Ayon kay EU Justice Commissioner Didier Reynders ang EU green pass ay “hindi isang vaccine passport bagkus ay isang sertipiko upang maiwasan ang dibisyon at mga hadlang sa pagitan ng mga EU countries, mapadali ang pagbibiyahe ng mga Europeans at muling magsimula ang turismo sa pagdating ng summer. Ang pass ay interoperable at magbubuklod sa mga bansa ng EU, upang maiwasan ang anumang uri ng diskriminasyon.  Ito ay may tatlong paraan upang muling makabalik sa pagbibiyahe:

  1. mapatunayan ang pagkakaroon ng bakuna,
  2. mapatunayan ang pagkakaroon ng negative test
  3. at mapatunayan ang paggaling sa sakit na Covid19”.

Ang Komisyon magbubukas ng isang “window” upang matiyak na ang mga sertipiko ay maaaring ma-verify sa buong EU at itp ay susuportahan ang mga Member States sa teknikal na pagpapatupad ng mga “pass”. 

Ayon pa kay Justice Commissioner, ang green pass ay hindi isang prerequisite para sa free circulation at hindi nito idi-discriminate ang sinuman: ito ay isang common European approach na makakatulomg hindi lamang para sa gradwal na pagbabalik ng free circulation sa loob ng Europa at maiiwasan din ang pagkakawatak-watak ng merkado. Ito ay isa rin umanong pagkakataon upang maimpluwensyahan ang global standard at makabigay ng magandang halimbawa ng European values tulad ng proteksyon sa mga datas. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bakunang AstraZeneca, gagamitin na ulit sa Italya

Bonus Cultura, kumpirmado ngayong 2021