in

Ang halaga ng permesso di soggiorno 2021

Narito ang halaga ng permesso di soggiorno mula sa first issuance nito hanggang sa renewal nito.

Ang permesso di soggiorno ay isang e-card na may microchip at optical memory na nagtataglay ng lahat ng mga datos, larawan at finger prints ng dayuhan. Ito ay ang dokumento na nagpapahintulot sa mga dayuhan na regular na manirahan at magkaroon ng regular na trabaho sa Italya. 

Ang first issuance o primo rilascio ng permesso di soggiorno ay ibinibigay sa mga sumusunod na pagkakataon: 

  • Pagtatapos ng Regularization 2020,
  • Pagdating ng miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng ricongiungimento familiare, 
  • Sa miyembro ng pamilya hanggang second degree ng mamamayang italyano para sa permesso di soggiorno per motivi familiari,
  • Para sa assistenza minori, matapos ang hatol ng tribunale,
  • Cure mediche o medical treatment,
  • Pagpapakasal sa isang European para sa carta di soggiorno per cittadini stranieri sposati con cittadini europei.

Ang halaga ng first issuance ng permesso di soggiorno ay ibinibigay ng Prefettura, matapos ang pagbibigay ng kit postale. 

Halimbawa: Sa regularization ay kailangang bayaran ang mga sumusunod:

  1. € 16,00 marca da bollo,
  2. € 30,46 bollettino postale,
  3. € 30,00 bilang kabayaran sa serbisyo ng posta italiana sa pagpapadala ng kit.

Bago ang expiration ng permesso di soggiorno, na matatagpuan sa card, ay kailangang itong i-renew. Ang renewal ay nangangailangan ng mga dokumento batay sa uri nito. 

Basahin din:

Ang mga dapat bayaran sa renewal ng permesso di soggiorno:

  1. € 16,00 para sa marca da bollo na ididikit sa unang pahina ng modulo 1 ng kit postale,
  2. € 30,00 bilang kabayaran sa serbisyo ng posta italiana sa pagpapadala ng kit sa Questura sa pamamagitan ng raccomandata Assicurata
  3. € 30,46 bilang kabayaran sa electronic card 
  4. At ang panghuling halaga ng bollettino ay batay sa uri ng permesso di soggiorno. Tulad ng nabanggit, ang kit postale ay nagtataglay ng isang bollettino postale, bukod pa sa modulo 1 at 2. Dito ay kailangang ilagay ang halaga, batay sa uri ng permesso di soggiorno: 1) 70,46 para sa renewal ng mga permesso di soggiorno na balido mula 3 buwan hanggang 1 taon, 2) € 80,46 para sa renewal ng permesso di soggiorno na balido mula 1 taon hanggang 2 taon, 3) € 130,46 para sa permesso di soggiorno per lungo soggiornanti,

Tandaan na ang huling 3 nabanggit na halaga ay hindi babayaran ng mga: 

  • Mas bata sa 18 anyos,
  • Dayuhang nasa Italya para sa cura medica o medical treatment,
  • Dayuhang nag-aplay ng duplicate o conversion ng permesso di soggiorno,
  • Mga mayroong international protection status na nag-aplay ng permesso per lungo soggiornanti,
  • Mga miyembro ng pamilya ng mga europeans para sa permesso per lungo soggiornanti.

Sa kasong ang renewal ng permesso di soggiorno ay para din sa mga mas bata sa 14 anyos, ay kailangang ilagay sa loob ng kit ang isa pang bollettino postale na nagkakalahaga ng € 30,46 para sa sarili nitong e-card. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 4.2]

WEBINARS ng Polo-Owwa Milan, handog sa buwan ng Kababaihan

Online consultation ng Migreat, mas pinadali sa murang halaga