Narito ang isang paalala sa mga uuwi sa Pilipinas sa panahon ng pandemya.
Mag register sa OFW Assistance Information System (OASIS) para mapadali ang proseso ng repatriation, testing, quarantine at transportation atleast limang araw bago ang naka-schedule na flight.
Ito ang paalala ng POLO Rome sa pamamagitan ng isang post sa social media.
Ang OASIS ay ang tracking system ng DOLE para sa mga OFWs na nais bumalik sa Pilipinas sa panahon ng pandemic. Sa pamamagitan nito ay matitiyak ang maayos na repatriation ng mga kababayang uuwi sa Pilipinas.
Ang pagre-register sa OASIS, ay pagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon sa DOLE, POEA, OWWA at POLO na makakatulong sa mabilis na pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan at serbisyo sanhi ng Covid19 pandemic kasama na dito ang testing, quarantine at transportasyon. Kailangan ang pagre-register ng lahat ng mga uuwing Ofws sa nabanggit na online platform para mapabilis at matıyak ang tulong mula sa gobyerno. Layunin nito ang maibigay ang maayos na sistema at maibsan ang pangamba ng mga Ofws na uuwi sa ating bansa.
Narito ang link para sa OASIS Online Registration: http://oasis.owwa.gov.ph/
Pinapaalala ang pagre-register din sa Philippine Red Cross e-CIF System at https://e-cif.redcross.org.ph/ at least tatlong araw bago ang flight ng pag-uwi sa Pilipinas.