in

Dual Citizenship, ang mga dapat malaman

Dual Citizenship

Ang pagkakaroon ng dual citizenship, Philippine at Italian citizenship, ay hindi awtomatiko. Narito ang mga dapat malaman.

Ang mga Pilipinong ipinanganak sa Italya, na ang mga magulang ay parehong Pilipino ay nananatili ang philippine citizenship hanggang sa pagsapit ng 18 anyos. 

Nagiging naturalized Italians ang mga Pilipino sa Italya sa pamamagitan ng mga pamamaraang itinalaga ng batas nito tulad ng:

Sa pamamagitan ng naturalization sa isang foreign country, ay nawawala ang philippine citizenship ng mga natural-born Filipinos. Samakatwid ang pagkakaroon ng dual citizenship, Philippine at Italian citizenship, ay hindi awtomatiko sa pagkakaroon ng italian citizenship.

Ang isang Pilipino ay nawalalan ng philippine citizenship sa pagiging naturalized Italian, at kailangang sumailalim sa proseso ng reacquisition Philippine Citizenship Reacquisition.

Sa pamamagitan ng Republic Act No. 9225 o ang Citizenship Retention at Re-acquisition Act of 2003 na isinabatas noong August 29, 2003 ay nagkaroon ng oportunidad ang mga natural-born Filipinos na nawalan ng philippine citizenship sa pamamagitan ng naturalization sa isang foreign country, na manatili o maging Filipino citizen muli.

Ang batas na nabanggit ay ginawang posible sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng dual citizenship. Dahil dito, ang mga Filipinos na naging naturalized Italian citizen ay hindi ganap na nawawala ang philippine citizenship.

Gayunpaman, ang retention o re-acquisition ng Philippine citizenship ay isang pribiliheyo at hindi isang obligasyon. Ito ay batay sa pagnanais na maging Filipino citizen muli at pakinabangan ang mga karapatan at pribiliheyo ng isang mamamayng Pilipino kabilang dito ang:

  • Paglalakbay gamit ang pasaporte ng Pilipinas;
  • Karapatang magmay-ari ng real estate sa Pilipinas;
  • Magkaroon ng sariling negosyo sa Pilipinas 
  • Karapatang magamit ang propesyon 
  • Maaaring bumoto sa pambansang halalan sa Pilipinas sa pamamagitan ng Overseas Absentee Voting Act of 2003.

Tandaan na hindi requirement ang residency sa Pilipinas sa reacquisition ng philippine citizenship. 

Sa kasong magbabakasyon sa Pilipinas at walang dual citizenship ay ipinapayong:

  • Mag-aplay ng entry visa sa Embahada o Konsulado kung ang pananatili sa  Pilipinas ay higit sa 30 araw.
  • Kung hindi nag-aplay ng visa, mag-aplay ng Balikbayan Privilege pagdating sa Pilipinas. Ito ay nagpapahintuloy na manatili hanggang isang taon sa Pilipinas ang mga former Filipino citizens.

Anu-ano ang mga requirements sa re-acquisition ng filipino citizenship?

  • PSA o Philippine Statistics Authority (dating NSO o National Statistics Office) Birth Certificate sa mga ipinanganak sa Pilipinas o Report of Birth naman para sa mga ipinanganak sa labas ng Pilipinas (3 kopya at orihinal)
  • PSA Marriage Contract o Report of Marriage, kung kasal (3 kopya at orihinal)
  • Pinakahuling pasaporte (3 kopya at orihinal)
  • ID pictures (2)
  • Balidong Carta d’Identità (3 kopya at orihinal)
  • Certificato di Cittadinanza o Atti di Cittadinanza Italiana o Decreto mula sa Comune (may petsa ng pagiging italina citizen) (3 kopya at orihinal)
  • Application fee
  • Karagdgang fee para sa bawat minor na anak

Para sa detalyadong impormasyon, Mangyaring bisitahin ang website ng Philippine Embassy at Philippine Consulate General ng Milan.  (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 12 Average: 3.3]

bakunang Pfizer-BioNTech Ako Ay Pilipino

Pfizer-BioNtech, 7 milyong karagdagang doses para sa Italya

Panghihina, pagod, hilo at pagsusuka – ang mga bagong sintomas ng Covid19