Simula April 16, 2021, ang mga caregivers sa Lombardia ay maaaring kasabay sa appointment booking online para sa pagpapabakuna laban Covid19 ng mga inaalagaang may ‘elevata fragilità’ o matinding karamdaman na kinilala ng gobyerno at ‘grave disabilità’ o may matinding kapansanan batay sa art.3 talata 3 ng Batas 104/92.
Ayon sa website ng rehiyon, kailangan lamang ang mag-access sa appointment booking online platform ng rehiyon: https://prenotazionevaccinicovid.regione.lombardia.it sa pamamagitan ng Codice Fiscale at number ng Tessera Sanitaria ang maysakit o may kapansanan. Sa pagpapa-book, ay hihingin din ang Codice Fiscale at number ng Tessera Sanitaria ng caregiver at ng miyembro ng pamilya na ‘conviventi’ o kasama sa bahay. Maaaring maglagay hanggang 3 katao sa booking.
Sa araw ng appointment, ay kailangang dalhin ng caregiver o badante sa vaccination center ang Autocertificazione upang patunayan ang pag-aalaga sa maysakit o may karamdaman.
Pinahihintuutan din ang booking ng caregiver at miyembro ng pamilya, kahit ang maysakit o may kapansanan ay nabakunahan na.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Regione Lombardia.
Narito ang Autocertificazione. (PGA)