in

Permesso di soggiorno, pinalalawig ang validity hanggang sa July 31, 2021

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Kabilang ang pagpapalawig sa validity ng mga permesso di soggiorno sa decreto legge na inaprubahan kahapon ng Konseho ng mga Ministro. 

Sa katunayan pinapalawig hanggang July 31, 2021 ang validity ng mga permesso di soggiorno na magpapaso hanggang sa April 30, 2021. Gayunpaman, sa panahong nabanggit, ang mga dayuhan ay maaaring mag-apply ng renewal ng nasabing dokumento.

Habang hinihintay ang paglalathala ng decreto legge sa Official Gazette ay nagbigay ng komunikasyon ang Palazzo Chigi sa official website nito. 

Bukod sa mga permesso di soggiorno ng mga dayuhan ay extended din ang validity ng mga: 

  • carta d’identità – extended mula April 30 sa September 30, 2021, ang validity ng mga dokumento na nag-expired hanggang Jan 31, 2020 at 
  • driver’s licence – pinalalawig mula 6 na buwan hanggang 1 taon ang panahon para sumailalim sa theory test para sa mga bagong aplay noong 2020.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kulay ng mga Rehiyon ng Italya simula sa May 3

Picnic, may pahintulot na ba sa zona gialla?