in

Babalik sa Italya mula sa Pilipinas? Narito ang dapat gawin.

Ako Ay Pilipino
Babalik sa Italya mula sa Pilipinas? Narito ang dapat gawin.

Batay sa DPCM ng March 2, 2021 at ordinansa ng April 16, 2021, narito ang mga ipinatutupad na health protocols at preventive measures na dapat gawin ng bawat Pilipino na babalik sa bansang Italya mula sa Pilipinas mula April 29 hanggang May 15, 2021, ayon sa Italian Ministry of Foreign Affairs. 

Una sa lahat ipinapaalala na ang pagpasok at muling pagbalik sa Italya ay pinahihintulutan dahil sa trabaho, kalusugan, edukasyon, emerhensya, pagbalik sa tahanan

  1. Partikular, pinahihintulutan ang pagbalik sa Italya ng mga permit to stay holders, pati ang kanilang mga pamilya. Siguraduhin na ang hawak na dokumento ay sapat  at balido sa muling paglabas ng Pilipinas at muling pagpasok sa Italya. 
  2. Siguraduhin ang pagsagot sa Autodichiarazione. Dito ay idinedeklara ng Pilipino ang mga mahahalagang detalye para sa contact tracing at ang pagsunod sa mga ipinatutupad na regulasyon sa bana.
  3. Pagsasailalim sa tampone molecolare o antigenico, 48 hrs bago ang pagdating sa Italya at pagkakaroon ng negative result.
  4. Sa pagdating sa Italya ay ipinapaalala ang paggamit ng isang pribadong sasakyan lamang upang marating ang final destination. Sa katunayan sa Autodichiarazione ay kasamang idedeklara ang sasakyan at plate number nito.
  5. Makipag-ugnayan sa ASL. Tawagan ang Servizio di Igiene e Sanità Pubblica (SISP) ng Asl na kinasasakupan para sa sorveglianza sanitaria. 
  6. Pagsasailalim sa sampung (10) araw na home quarantine
  7. Panibagong tampone molecolare o antigenico pagkatapos ng sampung araw na isolation. 

Ang Italya ay mayroong iba’t-ibang listahan ng mga bansa at bawat listahan ay mayroong iba’t ibang restriksyon. Ang Pilipinas ay kabilang sa List D.

Para sa karagdagang impormasyon: www.esteri.it, www.viaggiaresicuri.it

Narito ang Autodichiarazione

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permessi retribuiti sa domestic job

Permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti, mga dapat malaman sa pag-aaplay