in

Italian green pass, ilulunsad sa kalahatian ng Mayo

Ako Ay Pilipino

Inanunsyo ni Punong Ministro Mario Draghi na ilulunsad ang italian green pass sa kalahatian ng buwan ng Mayo

Ayon pa kay premier Draghi ang green pass italiano ay ilulunsad habang hinihintay ang paglabas ng European green pass sa kalahatian ng buwan ng Hunyo. “Dapat tayong magbigay ng malinaw at simpleng mga panuntunan upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista na darating sa Italya” dagdag ng premier.

Ano ang italian green pass? 

Ang green pass ang magpapahintulot na mapabilis ang muling pagbibiyahe ng ligtas, sa iba’t ibang mga Rehiyon sa loob ng bansa na nasa ilalim ng iba’t ibang ‘kulay’. Ito ang inaasahang magpapahintulot sa muling pagbabalik ng mga concert, congress at mga exhibits. Samakatwid, ang mga social gatherings na higit sa isang taon na ring ipinagbawal dahil sa pandemya.  

Ang certificato verde Covid-19 ay isang uri ng sertipiko, maaaring digital o paper form, na magpapatunay ng ilang kundisyong personal na magpapahintulot sa pagbibiyahe sa loob ng bansa. Partikular, ito ay iniisyu upang patunayan ang sumusunod na kondisyon:

  • Nakumpleto na ang bakuna kontra Covid19;
  • Gumaling sa sakit ng Covid19 at natapos na ang isolation;
  • Sumailalim sa test molecolare o antigenico rapido at negatibo sa Covid19.

Ang tatlong nabanggit ay may iba’t ibang validity: 

  • Ang sertipiko na nakumpleto na ang bakuna laban Covid19 ay balido ng 6 na buwan mula sa petsa ng huling turok ng bakuna, o
  • Ang sertipiko na gumaling sa sakit na Covid19 ay balido ng anim na buwan. 
  • Ang sertipiko ng pagkakaroon ng resulta na negatibo sa test molecolare o rapido ay balido ng 48 hrs mula sa petsa ng test.

Ang sertipiko na magpapatunay na nakumpleto ang doses ng bakuna ay ginagawa at ibinibigay ng vaccination center kung saan binakunahan. Bukod sa personal na datos ay makikita din dito ang bilang ng nakatakdang doses, ang petsa ng mga doses at ilang mahalagang impormasyon ukol sa bakuna. Para naman sa mga gumaling sa sakit na Covid19, ang sertipiko ay magbubuhat mismo sa clinic o ospital kung saan nagpagaling ang pasyente. Sakaling nagpagaling sa sariling tahanan ang pasyente, ang sertipiko ay manggagaling sa medico di base o pediatrician. 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 4]

Permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti, mga dapat malaman sa pag-aaplay

Paano nga ba mag-budget sa panahon ng COVID-19?