in

Lagnat matapos ang bakuna AstraZeneca? Kailan dapat mabahala?

Lagnat matapos ang bakuna AstraZeneca? Dapat bang mabahala?

Normal na lagnatin o makaramdam ng pananakit ng katawan pagkatapos maturukan ng una o pangalawang dosis ng bakuna kontra Covid matapos mabakunahan. 

Ang lagnat ay pangkaraniwan matapos ang bakuna, partikular sa bakunang AstraZeneca. Ito ang pangunahing sintomas, ang pinaka-pangkaraniwang side effect.

Dapat bang ikabahala ang pagkakaroon ng lagnat matapos ang bakuna?

Karaniwang hindi ngunit minsan ay tama na bahagyang mag-alala. Tandaan na ang bakuna ng Oxford University ay ligtas, epektibo laban sa coronavirus at tulad ng ilang beses na inulit ng EMA – European Medicines Agency, higit ang mga benepisyong hatid ng Vaxzevria AstraZeneca kaysa sa panganib. 

Ang sinumang naturukan ng Moderna at Pfizer ay karaniwang nakakaramdaman ng side effects matapos ang pangalawang dosis. Sa katunayan, ang unang dosis ay tinatawag ding “paghahanda”.

Ngunit iba ang AstraZeneca. Ang karamihan ng mga nabakunahan nito, sa katunayan, ay nilagnat hanggang 38°, nakaramdam ng panlalata, pananakit ng katawan hanggang buto. At ang mga ito ay tumatagal ng halos 24 oras. 

Ngunit bakit ibang side effect?

Ayon sa mga eksperto ang AstraZeneca ay may mas agarang epekto kaysa sa iba. Sa katunayan ang ikalawang dosis ay pagkatapos ng tatlong buwan, kumpara sa 21 araw ni Pfzier, dahil ang katawan ay nakatanggap ng mas agarang immunity. Sa katunayan, halos walang naiulat na side effect matapos ang pangalawang dosis ng AstraZeneca.

Dahil dito, maraming mga nilagnat pagkatapos ng unang bakuna ng AstraZeneca kaysa sa Pfizer o Moderna.

Sa katunayan, sa karamihan ng mga kaso ay hindi naman malala ang mga karaniwang side effects, tulad ng lagnat, sakit ng ulo o kalamnan o sakit sa lugar ng iniksyon, ngiki at pagsusuka.

Ayon sa mga epekto ang mga side effects ay karaniwang nararamdaman sa araw ng bakuna o kinabukasan at nawawala rin sa loob ng 24/48 oras. Dahilan kung bakit hindi dapat mag-alala. Ipinapayo ang pag-inom ng anti-inflammatory at antipyretic.

Pagkatapos mabakunahan, lahat ay nananatili sa ‘Sala Osservazione’ ng mga vaccination sites ng humigit kumulang na 15 minutos. Ito ay nagiging 60 minutos sa kasong magkaroon ng matinding reaksyon ng allergy, upang masigurado na walang anaphylactic reactions.

Gayunpaman, sa kasong magpatuloy ang mataas na lagnat ng ilang araw o makakaramdam ng ilang sintomas na wala sa mga karaniwang side effects nito, tulad ng nasasaad sa papel na ibinibigay sa araw ng bakuna, ay kailangang makipag-ugnay sa sariling medico di base. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3.5]

Ako Ay Pilipino

Nakatanggap ng first dose ng bakuna kontra Covid19, maaari na bang magbiyahe sa ibang bansa?

Curfew, ginawang 11pm. Narito ang road map ng bagong decreto