Ang green pass, partikular ang vaccination certificate, ay balido ng 9 (siyam) na buwan mula sa araw na matapos o makumpleto ang mga doses ng bakuna kontra Covid19. Bukod dito, ang green pass ay maaari na ring ibigay matapos ang first dose ng bakuna at ang validity nito ay 15 araw matapos maturukan hanggang sa petsa kung kalian naka-schedule ang ikalawang doses.
Ito ang nasasaad sa bagong dekreto, decreto aperture bis, na nagbibigay ng karagdagang pagtatanggal ng mga restriksyon, na inilathala ngayong araw sa Official Gazette.
Hangarin ni Mario Draghi at ng gobyerno nito na maging isang uri ng passepartout ang green pass para sa-access sa lahat ng mga kaganapang bukas sa publiko: mula sa mga stadium hanggang sa mga konsyerto, mula sa mga kongreso hanggang sa mga fiere, mula sa mga conference hanggang sa mga amusement park. At marahil, para din sa mga disco.
Samakatwid ang green pass ay kumakatawan bilang motibasyon upang makiisa sa vaccination campaign pati ang mga hindi naniniwala at ang mga no-vax.
Bukod sa vaccination certificate, kinikilala ring green pass ang negative covid test result – molecular o rapid test – 48 oras bago ang gamit nito at ang ASL certificate kung saan nasasaad ang pagtatapos ng isolation at paggaling sa karamdamang covid19. (PGA)
Basahin din:
- May pahintulot na bang magpunta ng ibang Rehiyon? Kailan kailangan ang green pass?
- Curfew, ginawang 11pm. Narito ang road map ng bagong decreto