in

Paano kalkulahin ang sahod sa domestic job sa panahon ng bakasyon?

Ang mga colf at badante, tulad ng lahat ng mga domestic workers, sa panahon ng bakasyon ay tumatanggap ng normal na halaga ng sahod at walang anumang bawas. 

Magkano ang bayad sa isang araw ng bakasyon?

Upang malaman kung magkano ang dapat matanggap ng colf at badante sa panahon ng bakasyon ay kailangang kalkulahin ang average salary sa isang araw ng trabaho at i-multiply ito sa mga araw ng bakasyon. 

Narito kung paano gawin ang kalkulasyon batay sa suweldo: kada oras o buwanang suweldo.

Colf o badante na may buwanang sahod 

Ang sahod o sweldo sa bawat araw ng bakasyon ng isang domestic worker na may buwanang suweldo ay katumbas ng ika-26 na bahagi ng buwanang suweldo, kasama ang allowance para sa board and lodging kung ang domestic worker ay naka live-in.

Ang pinakasimpleng paraan upang makalkula ang halagang dapat matanggap sa bawat araw ng bakasyon ay ang sumusunod: 

Kabuuang sahod/26 = Sweldo kada araw sa panahon ng bakasyon 

Halimbawa: Sa badante na nagta-trabaho ng 5 araw kada linggo ng 4 na oras na tumatanggap ng € 900 kada buwan ay tumatanggap ng € 12 na sahod kada araw ng bakasyon. 

€ 900 : 26 = € 32,62. 

Kung sakaling masasabay sa piyesta opisyal, ang araw ng bakasyon ay hindi binibilang.

Colf o badante na may sahod kada oras 

Sa kaso na ang sahod ay kada oras ay kailangang kunin ang average hours ng trabaho kada linggo at ito ay i-divide sa 6, upang makuha ang bilang ng oras na katumbas sa 1 araw ng bakasyon. 

Ang domestic worker na may sahod per hour ay tumatanggap sa bawat araw ng bakasyon ng sahod na katumbas ng ika-6 na bahagi ng average hour kada linggo. 

Para sa kalkulasyon ng araw ng bakasyon, ang working week, sa katunayan ay anim na araw ng trabaho, mula Lunes hanggang Sabado, anuman ang distribusyon ng oras ng trabaho. 

Kalkulasyon: average na oras ng trabaho sa isang linggo: 6 (bilang ng araw ng bakasyon sa isang linggo) x ang sahod per hour. 

 Halimbawa: Sa babysitter na nagta-trabaho ng 2 araw kada linggo ng 3 oras (kabuuang 6 na oras) ay binabayaran ng € 9 kada oras, ay makakatanggap ng € 9 na sahod kada araw sa panaho ng bakasyon. 

9 hrs weekly : 6 X € 9,00 = € 9,00 

Kung sakaling masasabay sa piyesta opisyal, ang araw ng bakasyon ay hindi binibilang.

Colf o badante na may sahod ng part time

Sa kaso ng sahod ng part time, kailangang malaman kung ang domestic workers ay binabayaran ng buwanan o kada oras. 

Sa unang nabanggit, ay babayaran ng ika-26 na bahagi ng buwanang sahod kada araw ng bakasyon, sa ikalawang kaso ay tatanggap naman kada araw ng bakasyon ng sahod na katumbas ng ika-6 na bahagi ng average hour kada linggo. (PGAwww.colf-badanti.it)

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 3.6]

Ako ay Pilipino

Bisita sa bahay, may limitasyon pa rin ba sa bilang?

UK variant, Brazil variant at South Africa variant Ako Ay Pilipino

Mga Covid vaccines, epektibo rin laban sa lahat ng variants