in

Handaan, kailan at hanggang ilan katao ang may pahintulot?

Handaan, kailan at hanggang ilan katao ang may pahintulot?

Dapat ay malinaw sa lahat na ang kasal, binyag, first communion, laurea (pagtatapos), birthday at iba pang uri ng religious at civil ceremony ay hindi ipinagbawal sa Italya. Ang ipinagbawal ay ang handaan matapos ang mga nabanggit na ceremony, o ang kilala ng marami sa tawag na ‘reception’.

At ang decreto riaperture simula June 15, 2021 ay muling nagbibigay pahintulot sa pagdiriwang ng mga salu-salo, handaan o reception, indoor at outdoor, sa mga rehiyon na nasa ilalim ng zona gialla at bianca. Ito ay nangangahulugan na ang handaan sa Valle d’Aosta, ang rehiyong natitira sa zona arancione, ay nananatiling walang pahintulot.

Ngunit kasabay nito ay nasasaad din sa decreto ang mga kundisyon sa pagbabalik ng mga handaan. 

Una na dito ang pagkakaroon ng ‘green pass’ ng mga bisita, sa outdoor o indoor reception man. Sa katunayan, matapos ang pagbibiyahe sa ibang rehiyon, sa ikalawang pagkakataon ay maririnig na gagamitin ang ‘green pass’ ng bawat dadalong bisita. 

Samakatwid, bawat bisita ay kailangang mayroong sertipiko na maaaring 3 uri: 

  • Vaccination certificate;
  • negative covid test result – molecular o rapid test – 48 hrs bago ang handaan; 
  • ASL certificate kung saan nasasaad ang pagtatapos ng isolation at paggaling sa karamdamang covid19.

Gayunpaman kung ano ang maximum na bilang o hanggang ilan katao ang maaaring imbitahan sa outdoor o indoor reception ay itatalaga ng CTS o Comitato tecnico scientifico. 

Kailangan din ang pagkakaroon ng tinatawag na Covid manager ng syang sisigurado na nasusunod ang mga ipinatutupad na health protocols, mula sa assembramento at pagsusuot ng mask. 

Kakailanganin ang pagkakaroon ng isang listahan ng mga bisita na itatabi ng Covid manager ng 14 na araw para sa contact tracing kung kakailanganin. 

Bukod dito ay kailangan ang pagsusuot ng mask, partikular sa indoor reception. 

Ang pagkain ay kailangang i-serve sa bawat bisita. Ang self-service ay pinahihintulutan lamang kung single portion. 

Ang pagitan ng bawat table ay 2 metro, at bawat table ay may maximum na 4 katao lamang. 

Kung mayroong live music, ay kailangan ang distansya sa publiko ng 3 metro. 

Kailangan ding siguraduhin ang madalas na pagpapalit ng hangin sa loob ng silid kung saan may handaan. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

UK variant, Brazil variant at South Africa variant Ako Ay Pilipino

Mga Covid vaccines, epektibo rin laban sa lahat ng variants

Bonus Vacanze 2021, kailan maaaring mag-aplay?