in

Mga araw ng bakasyon sa domestic job, narito kung paano kinakalkula

Summer period sa domestic job

Gaano man katagal at anuman ang oras ng trabaho, para sa bawat taon ng serbisyo sa parehong employer, ang mga domestic workers ay may karapatan sa 26 na araw ng bakasyon. Narito kung paano ito kinakalkula.

Ang bilang sa araw ng bakasyon ay nagsisimula sa sandaling magsimula ang employment, kasama ang probationary period. Gayunpaman, ang bilang ay nagtatapos sa huling araw ng aktwal na trabaho.

Ang unang dalawang linggo ng bakasyon ay ginagamit sa loob ng taong naipon ito at ang natitirang dalawang linggo ay bago sumapit ang ika-18 buwan nang taong naipon ito. 

Sa nabanggit ay hindi kabilang ang mga dayuhang manggagawa na nangangailangan ng mas mahabang panahon ng bakasyon upang makauwi sa sariling bansa. Kung hihilingin ng domestic worker at kung papahintulutan ng employer, ay posible na maipon ang mga araw ng bakasyon sa loob ng dalawang taon, sa kabila ng nabanggit na pangkalahatang regulasyon. 

Kalkulasyon ng araw ng bakasyon sa sinumang wala pang isang taon sa trabaho

Ang kalkulasyon ng mga araw ng bakasyon ay ginagawa batay sa kung ang domestic worker ay nag-trabaho sa loob ng 12 buwan (aktwal na buwang nag-trabaho). 

Kung ang domestic workers ay hindi pa umaabot sa isang taong serbisyo, ay hindi kailangang hintayin ang susunod na taon upang magbakasyon, dahil may karapatan sa ilang araw ng bakasyon batay sa bilang ng buwan ng serbisyo. 

Para makalkula ang panahon ng bakasyon, ay hindi isinasama ang mga araw na ibinigay ng employer dahil sa pansariling dahilan. 

Ang maturity ng bakasyon ay nagaganap lamang kung nag-trabaho ng higit sa 15 araw sa isang buwan. Ang 15 o higit pang araw ay kinakalkula bilang isang buong buwan. At ang 1 araw ay kinakalkula bilang isang buong araw.

KALKULASYON NG ARAW NG BAKASYON: 

bilang ng buwan ng trabaho X 1/12 = bilang ng araw ng bakasyon 

Halimbawa ng kalkulasyon: Sa isang full time worker na nag-trabaho ng 4 na buwan ay may karapatan sa 4/12 X 26 araw ng bakasyon = 8.7 o 9 na araw ng bakasyon. 

Ang 4 ay kumakatawan sa 4 na buwang trabaho at ito ay dini-divide sa 12 na kumakatawan sa 12 buwan at minu-multiply sa 26 na kumakatawan sa 26 na araw ng bakasyon sa isang taon. 

Pagkakasakit at aksidente bago o sa panahon ng bakasyon

Sa kaso ng pagkakasakit o aksidente bago o sa panahon ng bakasyon, ay maaaring hilingin sa employer na ito ay i-convert sa sick leave o infortunio at gamitin ang araw ng taunang bakasyon sa ibang petsa.

Kung hindi posible na kunin ang lahat ng araw ng bakasyon dahil sa pagkakasakit o aksidente, ay may karapatang ipagpatuloy ang bakasyon sa susunod na taon. 

Sino ang nag-papapasya sa panahon ng bakasyon?

Ang bakasyon ay isang karapatan ng worker, ngunit para sa batas, ang employer ang nagtatakda ng panahon ng bakasyon ng mga colf at caregiver. 

Nasasaad sa batas na “ang employer, ayon sa kanyang sariling mga pangangailangan at ng kanyang worker, ay dapat itakda ang panahon ng bakasyon, at manatiling isaalang-alang ang posibilidad ng ibang kasunduan sa pagitan ng dalawa, mula Hunyo hanggang Setyembre”. (PGA)

Sources: artikulo 17 CCNL, www.colf-badante.it

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Curfew: Mamumultahan ba ang pag-uwi sa bahay mula sa isang dinner makalipas ang 11pm?

Ako Ay Pilipino

Mga bagong regulasyon, pinag-aaralan para sa buwan ng Hunyo