in

Ilang katao ang maaaring sumakay sa pribadong sasakyan? Ano ang nasasaad sa decreto riaperture bis?

Ilang katao sa pribadong sasakyan Ako Ay Pilipino
Ilang katao ang maaaring sumakay sa pribadong sasakyan?
Ilang katao sa pribadong sasakyan Ako Ay Pilipino
Ilang katao ang maaaring sumakay sa pribadong sasakyan?

Ayon sa bagong decreto riaperture bis, parehong regulasyon ukol sa ilang katao ang maaaring sumakay sa pribadong sasakyan, kahit sa panahong unti-unting nagtatanggal ng restriksyon ang Italya. 

Sa katunayan, ang decreto riapreture bis ng gobyerno ni Draghi, balido hanggang July 31, 2021, ay pinalawig ang mga regulasyon ukol sa maximum na bilang ng mga pasahero na pinahihintulutang sumakay sa isang pribadong sasakyan, na nasasaad sa DPCM ng March 2. 

Narito ang mga dapat sundin sa tuwing magbibiyahe sakay ng pribado o sariling kotse. 

Una sa lahat ay dapat tandan na ang mga ‘conviventi’ o mga magkakasamang naninirahan sa iisang bahay ay maaaring sumakay ng magkakasama sa iisang sasakyan ng walang anumang problema. Walang limitasyon sa bilang ng sakay, o maaaring 4 hanggang 5 katao batay sa laki sa sasakyan.

Samantala, kung hindi ‘conviventi’ hindi magkasamang naninirahan sa iisang bahay ang isasakay ay kailangang sundin ang mga sumusunod:

  1. Kailangang magsuot ng mask sa buong biyahe.
  2. Kailangang panatilihin ang social distance. Dalawa lamang ang dapat na sakay sa likod ng driver (kung ang sasakyan ay para sa apat o lima katao) at uupo sa dalawang magkabilang dulo ng kotse. Ang pwesto sa gitna ay dapat walang nakaupo. 
  3. Ang driver naman ay walang dapat katabi
  4. Kung ang sasakyan ay 6 seater o higit pa, ay ipatutupad ang parehong regulasyon, o bawat hanay ng upuan ay dalawa katao lamang ang maaaring umupo sa magkabilang dulo ng sasakyan at ang driver ay wala dapat katabi. 

Ang sinumang hindi susunod sa pagsusuot ng mask sa loob ng sasakyan at obligadong magsuot nito ay maaaring multahan mula € 400 hanggang € 1000. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 4.6]

Carta Identità Elettronica, ano ang dapat gawin kapag nawala ang Pin code?

Decreto Sostegni bis 2021, ano ang nilalaman?