Matapos aprubahan ng Konseho ng mga Ministro, ang teksto ng panukala ay unang sinelyuhan ng State Accounting Office, pagkatapos ay pinirmahan ng Pangulo ng Republika Sergio Mattarella at sa wakas ay nailathala sa Official Gazette ang decreto Sostegni bis upang magkaroon ng bisa simula May 26, 2021. Sa loob ng 60 araw ay gagawin itong batas ng mga Camere.
Ano ang nilalaman ng decreto Sostegni bis?
Si Punong Ministro Mario Draghi mismo ang naglunsad sa press conference noong May 20, 2021 ng mga nilalaman ng dekreto, isang araw matapos ang pagsasabatas ng unang Dl Sostegno mula sa Parliyamento.
Ang panukala ay nagkakahalaga ng 40 bilyong euro, kung saan 17b ang mapupunta sa mga kumpanya at professionals (free-lancers), 9b sa mga kumpanya bilang tulong, 4b sa mga workers at bahagi ng populasyon na nahihirapan.
Kabilang sa mga nilalaman ng decreto sostegni bis na inilathala sa Official Gazette ay ang sumusunod:
- € 1.600,00 na bonus para sa mga seasonal workers,
- € 800,00 allowance para sa mga agricultural workers na may fixed-term contract,
- renewal ng reddito di emergenza para sa karagdagang 4 na buwan,
- non-repayble small fund para sa mga kumpanya at mga entrepreneurs na apektado ng krisis,
- extension ng bonus vacanze 2021 kahit sa mga tour operator at travel agency.
- At muli ang extension ng suspensyon ng mga cartelle esattoriali (o bayarin sa buwis) hanggang June 30, 2021,
- isang malaking package sa employment na may mga insentibo para sa hiring ng mga unemployed o walang trabaho at
- guarantee hanggang 80% para sa mga kabataan na hindi maka-access sa housing loan para magkaroon ng sariling bahay. (PGA)