in

Board ang lodging: kailan binabayaran sa domestic job

Bukod sa sahod o suweldo, ang mga colf at badante sa Italya ay may karapatang matanggap ang vitto e alloggio o ang board and lodging

Partikular, ang mga ‘conviventi’ o naka live-in ay may karapatan sa meal o pagkain upang masigurado ang isang malusog at sapat na diyeta at lodging o pabahay dahil may karapatan sa angkop na tirahan para mapanatili ang dangal at pagiging kompidensiyal ng pamumuhay. (CCNL art. 36).

Samakatwid, ang employer ay kailangang ibigay sa mga colf at badante na naka-live in ang isang marangal na lugar kung saan matutulog at ang sapat na pagkain – ang tinatawag na board and lodging. 

Kung ang board and lodging ay hindi maibibigay sa mga naka-live, ang mga domestic workers ay may karapatang makatanggap ng isang allowance bilang kahalili nito. 

Halaga ng board and lodging 

Ang halaga ng board and lodging ay ina-update kasabay ng pagbabago sa cost of living sa bansa ng ISTAT.

Para sa taong 2021, ang halaga nito kada araw ay € 5.61 euro (1.96 para sa agahan /tanghalian + 1.96 para sa hapunan + 1.69 para sa tirahan)

Kailan ibibigay ang board and lodging allowance

Sa tuwing ang colf at badante ay hindi maaaring makatanggap ng pagkain at tirahan mula sa employer, ay may karapatang matanggap sa halip, ang halaga ng board and lodging bilang allowance. 

Dapat ding kilalanin ang karapatang ito sa okasyon ng bakasyon, leave, pagkakasakit o aksidente, samakatwid sa mga kaso kung saan ang colf at badante ay karaniwang tumatanggap ng board and lodging, kahit para sa mga araw na ginugol sa labas ng bahay ng employer.

Mga kondisyong sa kontrata

Kung hindi nasasaad sa kontrata na dapat ibigay ang isa o higit pang meal, ang employer ay kailangang dagdagan ang sahod batay sa halaga ng value nito. 

Bakasyon

Sa panahon ng bakasyon, ang colf o badante na tumatanggap ng pagkain at pabahay ay may karapatang matanggap ang allowance, maliban na lamang kung patuloy na tatanggapin ang mga ito kahit sa panahon ng bakasyon. 

Suspensyon ng trabaho

Kung ang employer, dahil sa sariling pangangailangan (hal. Paglalakbay) ay sinuspinde ang trabaho ng colf o badante, ay kailangang ibigay sa live-in worker ang kabuuang sahod, lakip ang board and lodging allowance, kung ang mga ito ay hindi matatanggap sa panahon ng suspensyon ng trabaho. 

Tandaan na sa mga araw na hindi nag-trabaho ang colf, sa ganitong kaso ay hindi kabilang sa kalkulasyon ng araw ng bakasyon. 

Hindi bayad na pagliban sa trabaho (permessi non retriuiti)

Sa kaso ng hindi bayad na pagliban sa trabaho, ang colf o badante na naka-live in na karaniwang tumatanggap ng board and lodging ay walang karapatan sa pagtanggap ng board and lodging allowance. 

Wedding leave 

Sa kaso ng kasal, ang worker ay may karapatan sa bayad na wedding leave ng 15 araw. Ang worker, na karaniwang tumatanggap ng board and lodging, ay may karapatan, sa panahon ng leave na tumanggap ng allowance, maliban na lamang kung matatanggap pa rin ang normal na board and lodging. 

Pagkakasakit at aksidente 

Sa panahon ng karamdaman, ang allowance ng board and lodging ay ibibigay lamang kung ang maysakit na colf o badante ay hindi na-admit sa ospital o hindi nasa tirahan ng employer

Ang halaga per hour ng board and lodging 

Ang National Collective Labor Contract o CCNL ay tumutukoy sa kabuuang sahod bilang batayan ng pagbabayad sa colf o badante.

Para sa kabuuang sahod ay nangangahulugan na kasama ang bayad kada oras ng board and lodging. (Paglilinaw ng CCNL, talata 6)

Samakatuwid ang halaga kada oras ng board and lodging ay kailangan sa kalkulasyon ng mga sumusunod na elemento: 

13th month pay 

Sa okasyon ng Pasko, o sa loob ng buwan ng Disyembre, ang mga colf at badante ay may karapatan sa isang buwang karagdagang sahod, ang 13th month pay o tredicesima, katumbas ng kabuuang sahod, kasama ang board and lodging. 

Separating Pay (T.F.R)

Sa kaso ng pagtatapos ng trabaho, ang worker ay may karapatang matanggap ang TFR o trattamento di fine rapporto na batay sa halaga ng natanggap na sahod, kasama ang halaga ng board and lodging allowance. 

Kontribusyon 

Ang halaga ng mga kontribusyon ay kinkalkula batay sa sahod kada oras, na kabilang ang bahagi ng 13th month pay, ang bahagi ng board and loadging kung ang colf o badante ay naka-live in. (www.colf-badanti.it)

Click to rate this post!
[Total: 10 Average: 3.8]

Ang resulta ng Elezioni Comunali 2021

bakunang Pfizer-BioNTech Ako Ay Pilipino

Bisa ng Pfizer, nababawasan makalipas 6 na buwan