Simula June 1 ay patuloy ang pagtatanggal ng mga restriksyong sinumulan noong nakaraang buwan ng Mayo, partikular sa mga rehiyon na nasa ilalim ng zona gialla.
Sa buwang ito, malaking bahagi ng mga restriksyong nasasaad sa huling DPCM ay mapapalitan na ng mga pagluluwag. Bagaman, walang anumang pagbabago sa oras ng curfew hanggang June 7, kung kailan magsisimula ang curfew ng 12.00am, hanggang sa tuluyang pagtatanggal nito na nakatakda sa June 21.
Bars at restaurants
Simula June 1, ang mga bars at restaurants sa mga rehiyon sa zona gialla ay may dine-in na hindi lamang sa outdoor, kundi pati sa indoor o sa loob mismo ng mga bar at restaurants. Samakatwid, ay may pahintulot na ang pag-inom ng kape sa ‘banco’ o sa counter ng mga bars, tulad ng dating kinaugalian ng marami, sa kundisyong kailangang panatilihin ang distansya ng 1 metro bawat kliyente.
Tuluy-tuloy na din ang pagbubukas ng mga restaurats na walang outdoor space at nanatiling for take-out at home delivery lamang ang serbisyo hanggang sa kasalukuyan.
Kaugnay na oras ng pagsasara, ang mga bar at restaurants ay may pahintulot na ding magsara hanggang bago sumapit ang oras ng curfew na magpapahintulot sa mga kliyente nito ang makabalik sa kani-kanilang tahanan sa oras ng curfew, o ng 11:00 pm. hanggang June 7.
Bukod dito, ang regulasyon nang hanggang 4 na katao lamang bawat table na conviventi o kasama sa iisang bahay ay mananatili din.
Stadium
Simula June 1, sa zona gialla ay magbubukas na ulit ang mga stadium at mga outdoor sports facilities (ang mga indoor ay magbubukas sa July 1), ngunit ang pinahihintulutang capacity ay pansamantalang hanggang sa one-fourth ng maximum lamang. Ang mga maaaring upuan ay itinalaga na at ang limitasyon ay hanggang isang libong manonood lamang.
June 15 – Mga handaan at mga okasyon
Simula June 15 ay may pahintulot na din ang mga handaan ng iba’t ibang okasyon. Obligado ang green pass sa lahat ng mga invited guests. Ito ay maaaring vaccination certificate, negative result ng Covid test o medical certificate na gumaling sa sakit na covid19.
Amusement parks
Ang mga amusement parks at parchi tematici ay magbubukas sa June 15.
(PGA)
Basahin din:
- Tatlong rehiyon ng Italya sa zona bianca. Narito ang mga health protocols.
- Curfew: Mamumultahan ba ang pag-uwi sa bahay mula sa isang dinner makalipas ang 11pm?