Simula June 1, ay nagkaroon ng pagbabago ukol sa maximum na bilang ng tao sa isang table sa mga bar o restaurant, sa mga rehiyon ng Italya na nasa zona gialla at bianca.
Hanggang sa kasalukuyan, ang maximum na bilang ng mga kliyente na maaaring umupo sa isang table sa indoor o sa loob ng mga bar at restaurant ay apat na katao lamang na ‘conviventi’ o magkakasama sa iisang bahay.
Samakatwid, ay walang maximum na bilang ng tao sa isang table sa outdoor o sa labas mga bars at restaurants. At malaya na, kahit mga non conviventi (o hindi magkakasama sa isang bahay) na magsama-sama sa isang table sa kundisyong ito ay ayon sa laki ng lugar.
Kaugnay nito, simula June 1 ay maaari na din ang dine-in sa loob ng mga bars at restaurant.
Narito ang bagong gabay na inaprubahan ng Ministry of Interior, na nagtataglay ng mga sumunod na obligasyon:
- ang pagitan ng mga tables ay hindi bababa sa isang metro sa outddor at maaaring umabot hanggang 2 metrong pagitan sa indoor, batay sa bilang ng kaso ng covid;
- ang pagsusuot ng mask ay nananatiling obligado sa tuwing matapos kumain at uminom;
- ang mga tables ay kailangang i-sanitized at i-disinfect sa tuwing gagamitin ng mga kliyente;
- walang pahintulot ang buffet at kailangang i-serve ang mga pagkain;
- may limitasyon sa bilang ng mga kliyente sa loob ng bars at restaurants;
- panatilihing bukas ang mga pinto at bintana upang regular na mapalitan ang hangin sa loob ng mga lugar na ito.
Basahin din:
- Mga pagbabago sa restriksyon simula June 1 sa mga Rehiyon sa zona gialla
- Tatlong rehiyon ng Italya sa zona bianca. Narito ang mga health protocols.