Isinusulong ng European Commission at pinag-aaralan na gawing mandatory para sa lahat ng mga Member States ang pagkakaroon ng digital identity o ang european SPID. Ito ay upang magkaroon ng access ang lahat ng mga residente sa Europa sa online services ng Public Administration ng Europa.
European Digital Identity, ano ito
Sa pagkakaroon ng European Digital Identity ay magiging mas madali para sa lahat ng mga mamamayan ang pagtanggap ng mga serbisyo sa ibang bansa sa EU, sakaling sila ay lumipat ng bansa. At dahil dito, ay iminungkahi ang ilang pagbabago sa regulasyon ng digital identity (eIDAS). Kasalukuyang sinusuri ang ‘tatlong’ panimulang punto, ayon sa bise presidente na responsable sa digital, Margrethe Vestager.
“Lahat ng mga States ay obligadong magbigay ng serbisyo ng digital identity sa mga mamamayan, hindi na ito magiging isang opsyon lamang. Ang idenity ay kikilalanin sa lahat ng bansa, at lahat ng mga mamamayan ay may kontrol sa mga personal datas” dahil bawat isa ay magpapasya kung ano ang ilalagay sa digital wallet, paliwanag pa ni Vestager.
Ayon sa kalkulasyon ng panahon ng Bruxelles ay posibleng ipatupad na ang mga pagbabago sa 2022. Tulad ng nabanggit, ang European digital identity ay magagamit ng sinumang nais na gamitin ito. Nangangahulugan ito na ang bawat mamamayan o kumpanya sa Europa na nais magkaroon ng european digital identity ay maaaring magkaroon nito.
Ang european digital wallet ay magagamit bilang isang paraan ng pagkilala sa mga users, na layuning mabigyan ng access sa public at private digital services sa buong EU.