in

Maximum na bilang ng tao sa isang table, narito ang bagong regulasyon

Ako ay Pilipino
Maximum na bilang ng tao sa isang table, narito ang bagong regulasyon

Matapos ang ilang araw na diskusyon, na nagdulot ng kaguluhan ukol sa maximum na bilang ng tao sa isang table sa mga restaurants, sa wakas, ay nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng mga Rehiyon at ng gobyerno.

Ang bagong regulasyon sa maximum na bilang ng tao sa isang tabe sa indoor

Hanggang anim na katao sa iisang table sa loob ng mga restaurant o maaaring dalawang pamilya sa loob ng bahay sa zona bianca. Ito ang maximum na bilang na bagong regulasyon na itinalaga ng gobyerno. Isang kompromiso sa pagitan ng gobyerno at mga Rehiyon matapos ang ilang araw na diskusyon na gagawing opisyal sa pamamagitan ng isang ordinansa ni Health Minster Roberto Speranza. 

Samantala nagagalak naman si Regional Affairs Minister Mariastella Gelmini sa isang hindi maituturing na mahigpit na bagong patakaran. Aniya, ang zona bianca ay isang premyo at tama lamang na may mas maluwag na patakaran kumpara sa zona gialla. 

Gayunpaman, ang pagpunta sa ibang bahay o pagbisita sa kamag-anak o kaibigan ay nararapat na maluwag na sa zona bianca, ngunit napagkasunduan ang pagkakaroon pa rin ng limitasyon hanggang dalawang pamilya. 

Zona bianca – Sa indoors, tulad ng mga restaurants ay hanggang anim na katao lamang sa isang table at kahit sa bahay ay hanggang dalawang pamilya lamang. Wala namanglimitasyon sa outdoor. 

Zona gialla – Nananatili ang hanggang 4 na katao na limtasyon sa isang table sa indoor.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3]

Ako Ay Pilipino

European Digital Identity, isinusulong ng European Commission

domestic-job-ako-ay-pilipino

14th month pay o quattordicesima, matatanggap ba sa domestic job?