Abruzzo, Liguria, Umbria at Veneto. Ito ang mga rehiyon na madadagdag sa zona bianca. Matapos pirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ang ordinansa, ang Abruzzo, Liguria, Umbria at Veneto ay mapapabilang sa low risk zone o zona bianca, kasama ng Friuli Venezia Giulia, Molise at Sardegna.
Sa June 7, sa mga nabanggit na Rehiyon ay wala ng curfew at ang tanging restriksyon ay ang pagsusuot ng mask at social distancing.
Simula sa June 14, kung magpapatuloy ang kasalukuyang pagbaba ng mga kaso ng covid19, ay inaasahan din ang mga rehiyon ng Lombardia, Lazio, Piemonte, Puglia, Emilia-Romagna at PA di Trento na mapapabilang sa zona bianca. Inaasahan naman sa June 21 ang Sicilia, Marche, Toscana, PA di Bolzano, Calabria, Basilicata at Campania. Sa June 28 naman ay inaasahan ang huling rehiyon na mapapabilang sa zona bianca, ang Valle d’Aosta.
Samantala, ang Rt level sa bansa mula May 11-24 ay 0.68. Ito ay bumaba pa kumpara sa noong nakaraang linggo, 0.72, tulad ng nasasaad sa report ng ISS.
Basahin din:
- Tatlong rehiyon ng Italya sa zona bianca. Narito ang mga health protocols.
- Maximum na bilang ng tao sa isang table, narito ang bagong regulasyon
- Obligasyong mag-suot ng mask sa outdoor, kailan tatanggalin?