in

80% ng populasyon ng Italya, mababakunahan hanggang Setyembre

Ako ay Pilipino

Ang layunin ay ang mabakunahan ang 80% ng populasyon sa Italya hanggang Setyembre, kasama ang mga kabataan na may edad 12-15 anyos na may kabuuang bilang na 54.3 milyong katao”

Ito ang inanunsyo ni Emergency Commissioner Francesco Figliuolo sa Kamara. 

Bukod dito, ay hiniling na siguraduhin ang maximum coverage ng lahat ng mga mag-aaral bago magsimula ang school year. 

Ang gawain ng komisyon, aniya, ay ang “protektahan ang kalusugan at buhay ng ating mga mamamayan, muling maitaguyod ang angkop na kundisyong na makakatulong sa muling pagbangon ng bansa

Upang maisakatuparan ito, “hindi dapat mag-aksaya ng alinman sa ating mga resources – tao, panahon at instrumento. Mayroon lahat ang Italya. Ang kailangan lamang nating malaman ay kung paano ito pagsama-samahin at pag-uugnayin sa tamang paraan”.

Target na bilang ng bakuna 

Isang layunin ay ang daily target ng pagbabakuna sa mga Rehiyon. 

Para sa linggong ito ang target na bilang ay 550K dosis na bakuna. Sa linggong ito ang target ay nalampasan ng higit sa isang beses”. 

Sa second quarter, umabot sa 28M ang mga dosis na naideliver sa inaasahang 54M. Nakasalalay ang bilang at bilis ng vaccination campaign batay sa bilang ng mga dosis na darating. “Sa vaccination campaign sa second quarter ay inaasahan ang pagdating ng 54.7M dosis ng Pfizer, Moderna, AstraZeneca at Johnson & Johnson at ang pagbabakuna ay nagsimula noong kalahatian ng Abril. Noong April at May ay dumating ang 19M ng Pfizer, 2.5M ng Moderna, 5.2M ng AstraZaneca at 1.6M ng Johnsn & Johnson, sa kabuuang 28.3M dosis”, aniya. 

Sa kasalukuyang takbo ng pandemya, ayon pa kay Commissioner ay “marahil ay kailanganin ang karagdagang dose ng bakuna“.

Habang sa mga susunod na buwan, ay kakailanganin umano ang unti-unting pagbabago sa pagharap sa emerhensya – mula sa emergency management sa ordinary management ng mga health activities mula sa administrasyon at lokal na pamahalaan. (PGA

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 3]

June 7, ano ang pagbabago sa oras ng curfew sa Italya?

Ako ay Pilipino

International students sa Italya, narito ang proseso para sa academic year 2021-2022