in

Vaccination rate sa Europa, mababa pa – WHO

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa Europa dahil mababa pa umano ang vaccination rate sa kontinente. At dahil mababa pa ang kabuuang bilang ng pagbabakuna ay malayo pa sa kinakailangang rate upang mapigil ang pagbalik ng nakamamatay na virus. 

Dahil dito ay nanawagan sa mga bansa sa Europa na panatilihin pa ang ilang restriksyon upang maproteksiyunan ang mga mamamayan. 

Malayo pa sa sapat na vaccination coverage upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa muling pagbalik ng Covid”.

Mahalagang maabot muna ang 80% ng adult population, paalala ni Hans Kluge, ang Regional Director ng WHO sa Europa, kasabay ang paghimok sa mga bansa na iwasang ulitin ang naging “pagkakamali” noong nakaraang summer nang maagang tanggalin ang mga restriksyon. 

Kaugnay nito, ipinapaalala ni Director Hans Kluge, na ang bagong Delta variant, na unang nakita sa India ay higit na mabilis ang transmissibility at handang handa ito na makapasok sa mga populasyong hindi pa protektado partikular ang mga over60s. 

Ang Delta variant ay may pambihirang katangian, ang pagkakaroon ng double mutant, ang E484Q at ang L425R. At dahil sa pambihirang katanigan nito ay higit na mabilis at malakas ang transmissibility nito. Ang variant B.1.671 ay unang naitala noong Oct 5, 2020 sa India. 

(ulat ni PGA at larawan ni Chet De Castro Valencia)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Pagtaas sa halaga ng Assegno al Nucleo Familiare, simula July 1, 2021

Pagsusuot ng mask sa zona bianca, narito ang regulasyon