in

Domestic sector, patuloy na lumago sa kabila ng pandemya

Hindi napigilan ng pandemya ang paglago ng domestic sector. Sa katunayan, tumaas ng 7.5% ang sektor kumpara noong panahon ng pre-Covid. Mula sa bilang na 848,987 mga regular na colf, babysitter at caregivers noong 2019, ay tumaas ang bilang na 920,722 ng taong 2020. Ito ay ayon sa pinakahuling ulat ng Inps

Ayon sa ulat ng Inps, ang mga domestic workers na Italians ay tumaas ng +12.9% kumpara noong nakaraang taon. Samantala, ang mga domestic workers na dayuhan ay tumaas lamang ng +5.2% kumpara noong nakaraang taon, ngunit ang bilang ay halos magkapareho lamang: +32,000 Italians at + 31,000 mga dayuhan. 

Gayunpaman, ay inaasahan ang higit na mas mataas na bilang ng mga dayuhan dahil sa Regularization noong nakaraang taon. Matatandaang mayroong 200,000 na mga aplikasyon ang isinumite noong nakaraang taon para sa Regularization, at higit sa 176,000 ng mga aplikasyong ito ay para sa domestic job. 

Bagaman ang proseso ng Regularization ay mabagal at karamihan ng mga aplikasyon ay hindi pa natatapos iproseso, nasaan ang mga domestic workers na ito?”, tanong ni Andrea Zini, ang Assindatcolf (Associazione Nazionale dei Datori di Lavoro Domestico) President. 

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Delta variant, kinatatakutan ang mabilis na pagkalat sa Europa ngayong Summer

Assegno Unico Temporaneo, aplikasyon simula July 1, 2021