Apat na rehiyon ng Italya ang nasa orange zone na sa updated epidemiological map ng ECDC o European Center for Disease Prevention and Control. Ito ay ang mga rehiyon ng Veneto, Lazio, Sicilia at Sardegna, na noong nakaraang linggo ay green zone pa. Gayunpman, ang natitirang bahagi ng Italya ay nananatiling green zone.
Ang updated map ng ECDC ay batay sa rate ng bagong bilang ng mga kaso sa 14 na araw sa bawat 100,000 residente at positivity rate batay sa mga test. Ito ay nagsisilbing sanggunian ng mga State Members ng EU para sa anumang desisyon ng restriksyon sa pagbibiyahe. Ang green zone ay tumutukoy sa pagkakaroon ng minor risk. Habang tumataas ang risk ay nagpapalit ito ng kulay at nagiging orange, red at dark red (maximum risk).
Ang bilang ng mga nag-positibo sa Covid19 ay patuloy ang pagtaas sa Europa. Sa katunayan, ang rehiyon ng Brussels, tulad ng Corsica, Luxembourg at Ireland ay kulay red na din. Lumalala din ang sitwasyon sa France na noong nakarang linggo ay green zone at ngayon ay red zone na.