Nagbigay na ng pahintulot ang Ministry of Health sa Italya sa paggamit ng bakunang Moderna para sa mga kabataan.
Matapos ang desisyon ng Agenzia Italiana del Farmaco o AIFA bilang 111/2021, na inilathala sa Official Gazette, ang bakunang Spikevax ng Moderna kontra Covid-19 ay angkop sa mga may edad 12 pataas”.
Ito ang mababasa sa Circular na nilagdaan ng General Director ng Ministry of Health Giovanni Rezza, kung saan nagbibigay pahintulot sa paggamit ng Moderna kahit sa mga kabataang may edad 12 hanggang 17 anyos, matapos magbigay ng awtorisasyon ang European Medicine Agency o EMA at AIFA.
Sa Circular ay nasasaad ang mga updates na ginawa ng AIFA – mga impormasyon ukol sa bakuna Spikevax ng Moderna, sa Comirnaty ng Pfizer/BioNTech at sa Vaxzervia ng AstraZeneca at sa Janssen ng J&J.