in

Hindi natanggap ang Authcode para sa Green Pass? Narito kung paano magkaroon nito.

Ang Authcode ay isang mahalagang code upang magkaroon ng Green Pass. Ito ay natatanggap mula sa Ministero della Salute makalipas ang ilang araw matapos mabakunahan sa pamamagitan ng sms o e-mail

Sakaling hindi natanggap ang Authcode ay posible na ang makuha ito sa pamamagitan ng website na www.dgc.gov.it Lalong pinadadali ang mga pamamaraan upang magkaroon ng Green Pass para sa nalalapit na pagiging mandatory nito sa Italya simula sa Aug 6.

Narito kung paano magkaroon ng Authcode

  1. Magpunta sa www.dgc.gov.it;
  2. I-click ang ‘recupera il tuo codice Authcode’;
  3. Magbubukas ang bagong page na ‘Ottieni il codice Authcode’;
  4. Ilagay ang codice fiscale;
  5. Ilagay din ang huling 8 digits ng numero identificativo ng tessera sanitaria;
  6. Pumili ng ‘Tipo evento’ – kung nabakunahan, kung sumailalim sa Covid19 test o gumaling sa sakit na Covid19;
  7. Ilagay ang eksaktong petsa nito;
  8. Kopyahin ang ‘codice di sicurezza’;
  9. I-click ang Recupera Authcode.

Pagkatapos ibigay ang Authcode ay i-click ang salitang Tessera Sanitaria – (Potrai acquisire la certificazione su questo sito tramite la Tessera Sanitaria)na matatagpuan sa Authcode.

  1. Ilagay muli ang huling 8 digits ng numero identificativo ng tessera sanitaria;
  2. Ilagay din ang scadenza o ang expiration date nito;
  3. Pillin ang ‘Authcode’ sa ‘Tipo di codice
  4. Ilagay ang Authcode;
  5. Pillin ang language na nais ng Green Pass;
  6. Kopyahin ang ‘codice di sicurezza
  7. I-click ang Recupera certificazione. 
  8. I-download at i-save ang parehong Green Pass at QR code sa smart phone. Maaari din i-print ang green pass at qr code.

Tandaan na mayroong limang pamamaraan upang magkaroon ng Green Pass. (PGA)

Basahin din: 

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4]

Ako Ay Pilipino

Colf, maaari bang tanggalin sa trabaho dahil walang Green Pass?

Bakunahan muna ang lahat, bago ang third dose – WHO