Nanawagan ang World Health Organization WHO na ipagpaliban muna ang third dose ng bakuna kontra Covid19 kahit hanggang sa katapusan ng Setyembre, upang magkaroon muna ng kahit 10% immunization ang bawat bansa sa mundo. Ang panawagan ng WHO ay upang mapangalagaan din ang kalusugan ng mga bansang mahihirap at “mabakunahan muna ang lahat – una at ikalawang dosis – bago magsimula sa ikatlong dosis ng bakuna ang mga mayayamang bansa”.
“Kailangan nating baguhin ang maraming bagay: Mula sa karamihan ng mga bakuna na napupunta sa mga mayayamang bansa hanggang sa karamihan ng mga bakuna na mapupunta sa mga mahihirap na bansa“, ayon kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang direktor ng UN sa isang panayam.
Kaugnay nito, para sa European Center for Disease Prevention and Control – ECDC at European Medicine Agency – EMA, ang kumpletong dosis ng bakuna kontra Covid19 ay nagbibigay ng mataas na lebel ng proteksyon laban sa mga malalang sakit at kamatayang hatid ng Covdi19, kabilang ang Delta variant.
Dahil dito, inirerekomenda ng EMA at ECDC, sa isang komunikasyon, ang kumpletong dosis ng mga aprubadong bakuna.
Habang hindi pa nababakunahan ang malaking bilang ng mga mamamayan at ang virus ay patuloy ang sirkolasyon, ang lahat ay dapat sumunod sa mga regulasyon at ipagpatuloy ang paggamit ng mask at social distancing.
“Mapanganib pa ang virus, ayon kay Mike Catchpole, ang chief scientisit ng ECDC. At nakikita natin ulti ang pagdami ng mga bagong kaso sa Europa at ang bakuna pa lamang ang armas upang maiwasan ang pagtaas ng mga malalang sakit at pagkamatay“. (PGA)