in

Nais ng adolescent na magpabakuna at ito ay taliwas sa nais ng magulang?

Nais ng adolescent na magpabakuna at ito ay taliwas sa nais ng magulang? Narito ang opinyon ng National Bioethics Committee.

Kung nais ng isang adolescent na mabakunahan at ito ay taliwas sa nais ng kanyang mga magulang, ang nais ng adolescent ang dapat pakinggan ng health worker at ito ang dapat na sundin. Dahil ito ay hindi lamang para sa kanyang kabutihan – mental at pisikal – kundi pati sa kalusugan ng komunidad.

Ito ang opinyon ng National Bioethics Committee, matapos harapin ang ilang kaso ng mga menor de edad sa Italya na nais magpabakuna sa kabila ng pagiging taliwas dito ng mga magulang. 

Gayunpaman, para sa mga kabataan na may mga karamdaman kung kanino inirerekomenda ang bakuna, ay obligado ang presensya ng mga magulang upang magarantiya ang ikabubuti ng menor de edad. 

Sa kasalukuyan, sa Italya ay umabot na sa higit 800,000 ang mga under 19 na naka-kumpleto na ang mga dosis ng bakuna kontra Covid19, habang halos 1.5 milyon naman ang nakatanggap na ng unang dosis. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Bakunahan muna ang lahat, bago ang third dose – WHO

Ako Ay Pilipino

Green Pass, ang regulasyon para sa mga menor de edad