in

7 Rehiyon ng Italya, red o high risk zone para sa ECDC

Dumami ang mga rehiyon ng Italya na kulay red o high risk zone sa updated map ng European Center for Disease Prevention and Control o ECDC.   

Sa update ng August 26, ang Campania ay nagbabago ng kulay at naging pula, samakatuwid ay tumaas ang insidente ng paglaganap ng Covid19. At ito ay idinagdag sa Sardegna, Sicilia, Calabria, Basilicata, Toscana at Marche. Samantala, nag-iisang kulay berde o low risk ang rehiyon ng Molise. At malaking bahagi ng bansa ay kulay orange o moderate risk. Ito ay ang mga rehiyon ng Abruzzo, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Liguria, Lombardia, Piemonte, Puglia, Trentino Alto- Adige, Umbria, Valle d’Aosta at Veneto 

Gayunpaman, lumilliit ang bahagi ng kulay dark red o very high risk zone. Nananatili sa kulay na ito ang South ng France, Corsica, North ng Ireland, ilang isal ng Greece tulad ngn Crete. 

Ang Spain ay kulay red o high risk zone. Samantala, kulay green o low risk zone naman ang Poland, Czech Republic, Slovakia, Hungary at Romania. 

Ang updated map ng ECDC ay batay sa rate ng bagong bilang ng mga kaso sa 14 na araw sa bawat 100,000 residente at positivity rate batay sa mga test. Ito ay nagsisilbing sanggunian ng mga State Members ng EU para sa anumang desisyon ng restriksyon sa pagbibiyahe

Ang dark red o very high risk zone ay nangangahulugan na nagtala ng higit 500 kaso ng Covid19 sa bawat 100,000 residente. Ang red o high risk zone ay nangangahulugan na mayroong naitalang mula 200 hanggang 500 kaso ng Covid19 sa bawat 100,000 residente. Ang orange o moderate risk zone ay nangangahulugan na may naitalang mula 75 hanggang 200 kaso ng Covid19 sa bawat 100,000 residente. At ang green o low risk zone ay nangangahulugan na low risk at may naitalang mas mababa sa 75 kasong Covid19 sa bawat 100,000 residente. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 4]

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

For releasing na ba ang permit to stay? Narito ang maikling Gabay.

monopattino Ako Ay Pilipino

Monopattino, dumadami ang aksidente sangkot ang mga Pilipino