Isang bagong variant ng SARS-CoV-2 ang binabantayan ng World Health Organization o WHO. Ito ay ang ‘Mu’ na unang natagpuan sa Colombia noong nakaraang Enero.
Ang Mu, o ang B.1.621 ay itinuturing na ‘variant of interest’ ng WHO.
Batay sa mga unang impormasyon may mutation umano ang Mu variant na posibleng maka-epekto sa bisa ng bakuna ngunit kailangan pang palalimin ang mga pag-aaral ukol dito.
Ang Mu variant ay ang ikalimang mutation ng SARS-CoV-2 at natagpuan din sa ilang bansa ng South American at sa Europa. At sa buong mundo ay nasa 0.1% ang prevalence nito. Dahilan upang pansamantalang iwasan muna ang mag-panic habang pinag-aaralan pa ang mga posibleng epekto nito.
“Ang Mu variant ay nabuo sa bansa kung saan mabagal ang pagbabakuna kung kaya’t ang virus ay malaya ang mutation. Samakatwid, paulit ulit nating sinasabi na hadlangan ang sirkulasyon ng virus at ito ay sa pamamagitan lamang ng pagbabakuna. Sa kasalukuyan ay mababantayan ang bagong variant ngunit kakailangin pa ang maraming datos upang higit itong makilala”, ayon kay virologist Matteo Bassetti, ang direktor ng Department of Infectious Disease sa San Martino Hospital sa Genova, sa isang panayam.
Sa kasalukuyan, apat (4) ang Covid19 variants na na itinuturing na ‘variants of concern’ ng WHO, kasama ang Alpha na kumalat na sa 193 bansa at ang Delta variant sa 170 bansa.
Samantala, lima (5) naman ang mga variants na binabantayan ng WHO, kasama ang Mu variant.