in

Third dose, kumpirmado. Sisimulan sa katapusan ng Setyembre

Kumpirmado ang third dose ng bakuna kontra Covid19 sa Italya at magsisimula sa katapusan ng buwan ng Setyembre ang kampanya nito.

Ito ang inanunsyo ni Italian Health Minister Roberto Speranza. 

Aniya ito ay magsisimula sa mga ‘fragile’ tulad ng mga may karamdaman, matatanda at mga bata, mga health workers at mga nakatira sa mga nursing homes na nabakunahan sa pagbubukas ng taong 2021. Marahil ay nabawasan na ang bisa ng bakuna makalipas ang 9 na buwan mula sa unang dose nito. Pagkatapos ay isusunod ang buong populasyon. Para sa lahat ay ituturok ang bakunang mRNA – ang Pfizer o Moderna. 

Ito ang ibinigay na rekomendasyon ng Europe Medicine Agency o EMA at kahit ang Comitato Tecnico Scientifico o CTS ay nagbigay na rin ng positibong opinyon ukol dito (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 3.7]

Kambal na Pinoy, nagsauli ng napulot na wallet sa dalawang magkaibang araw

Menor de edad, maaari bang magtrabaho sa Italya? Ano ang nasasaad sa batas?