in

Menor de edad, maaari bang magtrabaho sa Italya? Ano ang nasasaad sa batas?

Ang mga dayuhang menor de edad na regular na naninirahan sa Italya, nangangahulugang mayroong regular na permesso di soggiorno, ay maaaring mag-trabaho sa Italya ayon sa itinakdang regulasyon para sa pagta-trabaho ng mga menor de edad.

Inilathala ng Integrazione Migranti ng Ministry of Labor ang ilang mahahalagang FAQs ukol sa pagtatrabaho ng mga menor de edad sa Italya.

Ano ang pinahihintulutang edad upang makapagtrabaho sa Italya?

Ang pinahihintulutang edad para makapagtrabaho sa Italya ay matapos makumpleto ang obligatory school at sa anumang kaso ay hindi maaaring mas bata kaysa sa 16 na taong gulang (Batas 296/2006, art.1, talata 622), o sa edad na 15 kung napapaloob sa tinatawag na ‘alternanza scuola-lavoro’.

Ang batas na ito ay para sa lahat ng uri ng trabaho na maaaring pasukan ng mga menor de edad. Ang tanging exception sa limitasyong nabanggit ay ang nauugnay sa gawaing pangkultura, sining o advertising o sa sektor ng cinema o theater. 

Sa ganitong mga kaso, ay kakailanganin ang awtorisasyon mula sa Direzione Territoriale del Lavoro, na nagbibigay pahintulot sa pagkakaroon ng written authorization mula sa magulang at ang uri ng trabaho ay hindi makokompromiso ang kaligtasan, ang mental at pisikal na integridad at paglago, pagpasok sa paaralan o pagpasok sa vocational o orientation program ng menor se edad (Batas 977/67, art. 4).

Maaari bang pumirma sa contratto di lavoro ang isang 16 anyos?

Oo, ang menor de edad na 16 anyos ay malayang makakapirma sa contratto di lavoro o employment contract nang hindi nangangailangan ng tulong ng mga magulang.

Napapailalim ba sa partikular na kundisyon ang trabaho ng menor de edad?

Ang menor de edad na nagtatrabaho ay may karapatan sa taunang bayad na bakasyon at parehong suweldo bilang manggagawa ng mga adults, pati na rin sa mga partikular na proteksyon na nasasaad sa batas. 

Ang Batas bilang 977/1967 ay nagtalaga na ang employer, bago kumuha ng menor de edad, ay may obligasyong gawin ang mga pagsusuri ng anumang peligro ukol sa edad at kailangang sumailalim ang menor sa ilang medical check up upang malaman ang pagiging angkop sa trabaho. 

Ang oras ng trabaho ng menor de edad ay hindi maaaring lumampas ng 8 oras kada araw at 40 oras kada linggo. At samakatwid ay hindi maaaring mag-over time ang menor de edad. Ang oras ng trabaho ay hindi maaaring magtagal ng higit sa apat na oras at kalahati na tuluy- tuloy. Samakatwid, makalipas ang 4.5 oras ay may karapatan sa pahinga na kahit 1 oras (ang mga collective contract ay maaaring bawasan ang nabanggit na pahinga sa kalahating oras). 

Ang mga menor de edad ay may karapatan sa lingguhang day-off ng dalawang araw at kung maaari ay magkasunod at kasama ang araw ng linggo. Ang panahong nabanggit ay maaaring mabawasan dahil sa technical o organizational reason, ngunit hindi maaaring mas mababa sa 36 na consecutive hours, maliban sa mas maiksing oras ng trabaho sa maghapon. 

Para sa ilang aktibidad, ang weekly day-off ay maaaring hindi araw ng linggo kung ang trabaho ay pangkultura, sining o advertising o sa sektor ng cinema o theater o sa sektor ng turismo, hotel o restaurant – kasama ang bar, ice cream house, tindahan ng nga pastries at ilang aktibidad na ang trabaho ay karaniwang sa araw ng linggo. 

Maaari bang magkaroon ng trabahong pang-gabi ang mga menor de edad? 

Ipinagbabawal sa mga menor de edad ang trabahong pang-gabi – mula 10pm hanggang 6am p mula 11pm hanggang 7am.

Ang pagbabawal na ito ay napapailalim sa ilang exception, na maaaring dahil sa hindi inaasahang pangyayari, ay mahahadlangan ang pagtakbo ng kumpanya, sa kondisyong agad na ipaaalam ng employer sa Labor Inspectorate ang dahilan at ang pangalan ng menor de edad at ang oras na ipinagtrabaho nito. 

Ang proteksyon ng mga menor de edad, kasama ang mga dayuhang menor de edad, sa trabaho sa Italya ay ayon sa International Convention, una sa lahat ng New York Convention ng 1989 ukol sa karapatan ng mga bata, at sa mga artikulo 34 at 37 ng Konstitusyon. Nasasaad sa batas ng 17 Oktubre 1967, n. 977, ang “Proteksyon ng ng mga menor de edad at kabataan sa trabaho“, na sinusugan sa pagsasabatas ng Europa, sa pamamagitan ng D. Lgs. 4 August 1999, bilang 345 at D. Lgs. 18 August 2000, n. 262. (Integrazione Migranti)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Third dose, kumpirmado. Sisimulan sa katapusan ng Setyembre

Pact of Rome, aprubado ng G20 Health