in

Pact of Rome, aprubado ng G20 Health

Inaprubahan ng lahat ng mga bansa ng G20 ang Pact of Rome at nangakong sisiguraduhin ang pagkakaroon ng buong mundo ng mga bakuna kontra Covid19.

Ito ay ayon kay Italian Health Minister Roberto Speranza, sa ginawang press conference sa pagtatapos ng G20 Health Ministers’ Meeting sa Roma ng dalawang araw, Sept 5 at 6 sa Campidoglio Roma, kung saan ang pangunahing tema ay ang People, Planet, Prosperity.  

Nais at nagdesisyon ang lahat na mapalakas ang sistemang pangkalusugan. Nais naming maglaan ng budget upang proteksyunan ang lahat: ang karapatang magamot ang lahat, anuman ang social class at lahi“.  

Aniya ang mga bansa ng G20 ay nagsusumikap upang magbigay ng mga bakuna sa mga mahihirap na bansa, kahit sa pamamagitan ng Covax, ang global programme ng WHO sa pagbibigay ng mga libreng bakuna kontra Covid19 sa mga mahihirap na bansa. Nais din ng G20 na magtalaga ng mga kundisyon upang ang produksyon ng mga bakuna ay maganap din sa iba’t ibang mga bansa. Ito ay nangangahulugan ng pagbabahagi ng proseso upang magkaroon ng awtonomiya ang ilang bansa.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Menor de edad, maaari bang magtrabaho sa Italya? Ano ang nasasaad sa batas?

Hanggang kailan mandatory ang Green Pass sa Italya?