in

OAV REGISTRATION sa Embahada sa Roma

Dahil sa papalapit na ang huling takdang-araw ng pagpaparehistro ng mga botanteng OFWs, sa 30 Setyembre, magbubukas ang Embahada ng Pilipinas sa Roma sa mga nalalabing araw ng Linggo ng buwan.

Mula sa ika-9 ng umaga hanggang ika 5 ng hapon, ang Embahada ay ibubukas sa mga araw ng Linggo, Setyembre 12, 19 at 26.

Hindi na kinakailangan ang magpa-apuntamento dahil walk-ins ay puede na. At kung may pasaporteng kailangang ma-i-ritiro sa araw na iyon ay maaari ding isabay sa pagpaparehistro. 

Upang magkaroon ng i-Rehistro form, i-click lamang ang link na ito: https://irehistro.comelec.gov.ph/irehistro/ovf1.

Matamang sundan ang mga alituntunin sa nasabing website, punan ang overseas voter’s registration form at dalhin ang printed form na may QR code sa Embahada, kasama ang pasaporto, para sa biometrics capture.

Ang mga aplikante na mayroong dala nang kopya ng kanilang i-Rehistro application form ay mabibigyan ng prayoridad. Ang mga walang dala namang form ay tatanggapin matapos mapagsilbihan na ang may dalang sariling kopya. 

Ang bagong Embahada ng Pilipinas ay matatagpuan na sa Via Aurelia 290A, Rome 00165 .

Karapatan at tungkulin natin ang bumoto. Simulan sa pagpaparehistro patungo sa tama at matalinong kapasyahan na makapili ng tapat na pinuno.

(Dittz Centeno-De Jesus)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ria Money Transfer: bawat sentimos ay mahalaga

Pinoy seafarer, patay sa isang trahedya