in

6 Rehiyon ng Italya, red o high risk zone sa update map ng ECDC

Anim ang mga rehiyon ng Italya ang minarkahang high riskred zone sa updated map ng European Center for Disease Prevention and Control o ECDC ngayong araw, Sept. 9, 2021. 

Ang sitwasyon ng pagkalat ng Covid19 ay sinusukat ng ECDC batay sa rate ng mga kaso ng positibo sa 14 na araw sa bawat 100 libong mga residente, kasama ang positivity rate sa mga isinagawang Covid test. Ito ay nagsisilbing sanggunian ng mga State Members ng EU para sa anumang desisyon ng restriksyon sa pagbibiyahe

Sa updated map kumpirmadong high risk zone ang anim na rehiyon ng Italya. Ito ay ang Sardegna, Toscana, Marche, Basilicata, Calabria at Sicilia.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay pitong rehiyon ang red zone na naitala ng ECDC. Ngunit sa linggong ito, ang rehiyon ng Lazio ay bumalik sa orange zone o moderate risk. Pati ang rehiyon ng Valle d’Aosta ay bumalik sa green zone o low risk zone na noong nakaraang linggo ay nasa orange zone. 

Ang mga rehiyon ng Abruzzo, Campania, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, , Liguria, Lombardia, Piemonte, Puglia, Trentino Alto- Adige, Umbria, Veneto at  Molise ay nasa orange zone o moderate risk

Samantala, nananatiling very high risk o dark red zoneang South France, ang North Ireland at ang mga islands ng Greece. Ang Spain naman ay nananatiling red zone.  (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Pinoy seafarer, patay sa isang trahedya

Green pass, mandatory sa mga magulang sa scuola materna at asilo nido