in

Third dose ng bakuna kontra Covid19, sisimulan na sa Sept 20

Sisimulan na sa September 20 ang third dose ng bakuna kontra Covid19 sa mga immunocompromised patients

Ito ang naging desisyon sa ginawang pagpupulong ng Health Minister Roberto Speranza kasama si Emergency Commissioner Francesco Paolo Figliuolo. Layunin nito ang pag-usapan ang ikatlong dosis, ang ‘booster dose’ sa ilang kategorya na nananganib sa malalang sakit na Sars-CoV-2/Covid-19. 

Kasunod ng positibong opinyon mula sa Technical-Scientific Committee ng AIFA (Agenzia Italia del Farmaco) at ng Comitato Tecnico Scientifico (CTS) ay ginawa ang pagpupulong kasama ang mga technicians ng mga rehiyon para talakayin ang target na populasyon. Kaugnay nito ay ia-update din ang mga computer system sa buong bansa. Karagdagang dosis ng bakuna m-RNA (BioNTech / Pfizer at Moderna) upang mapahintulutan ang pagsisimula ng pagbabakuna.

Tinatayang aabot sa halos 3 milyon ang mga immunocompromised patients na unang tatanggap ng booster dose ng bakuna kontra Covid19. Pagkatapos, ayon kay Health Minister Roberto Speranza ay magpapatuloy sa pagbabakuna ng ikatlong dosis sa mga itinuturing na ‘fragile’, mga nakatira sa RSA at mga over80s

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

bakuna laban Covid19 Ako Ay Pilipino

Bakuna kontra Covid19, mandatory na ba sa Italya?

Pag-aalaga ng Pet, kasama ba sa trabaho ng mga colf?