Ang bagong batas na nag-oobliga sa pagkakaroon ng Green pass sa lahat ng work place na inaprubahan noong nakaraang linggo ng Konseho ng mga Ministro ay inilathala na sa Official Gazette matapos pirmahan ng Presidente ng Republika Sergio Matarella. Mandatory ang pagpapakita ng mga workers ng Green pass sa lahat ng work place – publiko at pribado – simula October 15.
Basahin din:
- Green pass, mandatory din sa mga colf at caregivers
- Anu-ano ang mga pagbabago sa bagong dekreto sa Green pass?
No Green pass, No work, No pay
Sa teksto na inilathala ay nasasaad na ang publiko o pribadong manggagawa na walang Green pass ay hindi pahihintulutang makapag-trabaho at ituturing na “pagliban na hindi makatarungan”, hanggang sa makapagpakita ng green certificate. Sila ay may panahon hanggang December 31, 2021 bagaman nananatili ang karapatang hindi matanggal sa trabaho.
Kumpara sa final draft, tinanggal ang lahat ng pagkakaiba sa implementasyon sa pagitan ng mga publiko at pribadong manggagawa bukod pa sa pagtatanggal sa sospensyon.
Gayunpaman, para sa lahat ng mga mangagagwa mula sa unang araw ng pagliban sa trabaho dahil sa kawalan ng Green pass ay hindi makakatanggap ng sahod o anumang uri ng kabayaran. (PGA)