Humigit-kumulang na 60,000 pa lamang ang mga permesso di soggiorno ang inisyu ng Ministry of Interior hanggang sa buwan ng Agosto sa loob ng 230,000 mga aplikasyon ng Regularization. Ito ay 26% lamang ng kabuuang bilang. Ang datos ay nakalap mula sa Ministry of Interior ng Ero Straniero.
Bagaman ang kasalukuyang datos ay nagtala ng bahagyang pagbuti sa sitwasyon kumpara sa mga nakaraang buwan, ang pagkakaantala sa pagsusuri ng mga aplikasyon ay nananatiling malala. Sa katunayan, noong nakaraang Pebrero 2021, anim na buwan makalipas ang pagtatapos sa pagsusumite ng aplikasyon, ay 5% lamang ang umabot sa final phase ng pagsusuri at sa halos 10 prefectures ay nasa simula pa lamang ng pagsusuri ng mga aplikasyon.
Sa katunayan sa buwan ng Agosto, narito ang bilang ng mga permessi di soggiorno na inisyu sa mga pangunahing lungsod:
Milano – 2,000 permesso di soggiorno sa 26,000 aplikasyon;
Roma – 60 permessi di soggiorno sa 16,000 aplikasyon;
Torino – 760 permessi di soggiorno sa 5,000 aplikasyon;
Napoli – 641 permessi di soggiorno sa 17,500 aplikasyon
Caserta – 285 permessi di soggiorno sa 3,700 aplikasyon.
Bari – 2,000 permessi di soggiorno sa 4,150 aplikasyon;
Bologna – 2,177 permessi di soggiorno sa 3,884 aplikasyon;
Reggio Calabria – 950 permessi di soggiorno sa 2,000 aplikasyon;
Sa kabuuang bilang na nabanggit ng mga permessi di soggiorno na inisyu, 13,506 na permessi di soggiorno sa 207,542 aplikasyon ay inisyu sa Emersione ng domestic sector. Samantala, 35,868 naman ang mga permessi di soggirono per attesa occupazione ng mga aplikante na nagtapos ang rapporto di lavoro dahil sa pagkamatay ng employer o pagtatapos ng kontrata. Habang halos tapos na ang pagsusuri ng mga aplikasyon ng mga dayuhang hindi na regular ang paninirahan sa Italya ngunit nakapagtrabaho na sa ilang sektor na maaaring makapag-aplay ng permesso di soggiorno temporaneo. Sa 13,000 aplikasyon ay umabot na sa 9,942 ang mga inisyu na permessi di soggiorno temporanei at 2,880 ng mga ito ay nai-convert na sa permesso di soggiorno per lavoro subordinato. Samantala 1,500 naman ang mga aplikasyong rejecetd.
Magpapatuloy ang Ero Straniero sa mga susunod na buwan na bantayan at mag-follo up sa mga naka-pending pang aplikasyon ng Regularization.