in

Liza Bueno, nag-iisang kandidatang Pilipina bilang Konsehal sa Roma Capitale

Halos higit dalawang dekada nang naglilingkod sa sambayanan sa Italya bilang Migrant Consultant at Cultural Mediator. Naging sindacalista ng isang Labor Union. Nagsimula at naging tagapamahayag ng ilang pahayagan tulad ng Ako ay Pilipino, Pinoy Patrol at Tinig Filipino. Founder-President ng Associazione Stranieri Lavoratori in Italia (ASLI) na naglathala ng dalawang libro: “Filippini in Italia“, isang Gabay ng mga Pilipino sa Roma at “Due Costituzioni, un’unica cittadinanza culturale”, na naglalaman ng translation ng Konstitusyon ng Italya at Pilipinas. Pinarangalan ng “Premio Baiocco Speciale”  ng Municipio XV dahil sa serbisyo at paglilingkod sa mga migrant workers sa Roma noong 2011 at isa sa 30 migrante na napili sa photo exhibit noong 2014 sa Museum of Rome “Rhome” (Rome is Home). Bukod dito, ay executive employee ng tanggapang pampubliko, ang Centro per l’Impiego sa Roma. Nakapagtayo ng sariling ahensya, ang Centro Servizi per i Cittadini (CSC) na itinuring na point of reference ng mga OFWs, mga Italian employers at institutions, at iba’t ibang migrant organizations sa Roma. Hanggang ngayon ay takbuhan ng marami para sa solusyon ng iba’t ibang suliranin ukol sa migrasyon tulad ng dokumentasyon para sa regular na paninirahan ng mga OFWs, problema sa trabaho at employer at marami pang iba.

Lahat ng ito ay hindi naging madali para kay Liza Bueno sa kanyang pakikipagsapalaran sa Italya simula 1993. Namuhay bilang undocumented at tinanggap ang hamon ng pagiging domestic helper sa kabila ng nagtapos ng Bachelor of Education. 

Ang lahat ng kanyang sakripisyo at pagsusumikap ay nagbunga pa ng mas mataas na pangarap at mas malalim na dedikasyon hindi lamang sa Filipino community bagkus pati sa bansang kumupkop sa kanya at sa kanyang pamilya sa halos 30 taong paninirahan dito. Ito ay ang maging bahagi ng Lokal na Pamahalaan sa Konseho ng Roma Capitale. 

Sa ilalim ng Partidong Demos (Democrazia Sociale) ay nag-iisang kandidatang Pilipina bilang Konsehal si Liza Bueno sa Roma Capitale, kasama ang Fil-Italian na si Nicola di Flora ‘Nic’ at kandidata rin bilang Konsehal sa Municipio XIII. 

Kasama ng iba pang kandidatong kabataan na kasama ko sa lista bilang mga kandidatong konsehal sa Comune si Nic at sa mga municipalities na sina Ireneo Spencer, Andres Vaca, Kevin Mandawa ‘Kappah’ at Molka Fraj. Naniniwala ako na kung mabibigyan ako ng pagkakataong maupo bilang konsehal, mas marami pa tayong magagawa para sa mga mamamayan at sa bayan. Naniniwala ako sa mga layuning makaDiyos at makatao at mga programa ng Demos na sa wakas sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbukas ng pinto, buong pusong tumanggap sa atin at naniniwalang bahagi tayo ng lipunan at nagbigay ng pagkakataong makasali sa halalan at maging kinatawan sa Roma. Huwag po sana natin sayangin ang pagkakataong ito. Ito na marahil ang tamang panahon upang manindigan at ipagpatuloy pang lalo ang serbisyong pampubliko. Kumakatok po ako sa inyo na sana bigyan n’yo ako ng pagkakataon na maging kinatawan sa Lokal na Pamahalaan upang mas lalo kong kayong mapaglingkuran, makatulong isaayos ang mga problemang pangsosyal na kinakaharap ng mga mamamayan sa Roma. Makatulong sa pagbabago sa bayan ng Roma. Tumugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan

Panawagan ni Bueno sa mga Pilipino na mayroong Italian citizenship na bumoto at sa mga magulang na Pilipino na ang mga anak ay Italian citizen na hikayatin ang kanilang mga anak na makiisa sa darating na halalan sa October 3 and 4. 2021. 

Ito po ay isang karapatan at hinihiling ko po na ako ay inyong pagkatiwalaan at sama-sama nating haharapin ang bagong yugtong ito ng kasaysayan ng mga Pilipino sa Roma”, pagtatapos ni Bueno. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Status ng aplikasyon ng Italian citizenship, sa pamamagitan ng App IO

Implasyon sa Pilipinas umakyat sa 4.9%. Ano ang dapat gawin bilang mga Ofws?