in

Implasyon sa Pilipinas umakyat sa 4.9%. Ano ang dapat gawin bilang mga Ofws?

Umakyat ang implasyon o inflation rate sa Pilipinas mula sa 4.0% noong nakaraang July 2021 sa 4.9% nitong Augusto 2021 at 2.4% noong nakaraang Agosto 2020. Ito na ang pinakamataas na naitalang inflation rate mula noong July 2019.

Ano ang ibig sabihin ng Implasyon (Inflation)?

Ito ay ang pagtaas ng mga bilihin sa bansa. Halimbawa ang isang kilo ng bigas noong nakaraang taon ay nasa 42pesos at ngayon ay umaabot na sa 66pesos ang per kilo. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilinas, ang matinidng pagtaas ng implasyon ay dala ng mataas na konsumo sa pagkain at mga non-alcoholic na maiinom, na mula sa 4.9 noong July ay 6.5 ngayong Agosto.

Ang taunang pagtaas ay mas mataas din sa mga indikasyon ng sumusunod na mga kalakal:

  • Alkohol inumin at tabako, 10.3%;
  • Damit at sapatos, 1.8%;
  • Pabahay, tubig, kuryente, gas, at iba pang mga gasolina, 3.1%;
  • Kagamitan sa bahay, kagamitan sa sambahayan at regular na pagpapanatiling maayos ng sambahayan, 2.5%;
  • Transport, 7.2%; at
  • Restaurant at miscellaneous kalakal at serbisyo, 3.8%.

Ano ang dapat gawin bilang mga Manggagawa sa Ibayong Bansa

Kung tayo ay nagsusubi sa Pilipinas para sa ating mga Financial Goals, maaring ito ay para sa pag-aaral ng ating mga anak, para sa ating retirement o maaring pagpapatayo ng ating pangarap bahay, dapat nakalagay ang perang ito sa isang Investment Instrument na mas mataas sa implasyon. 

Ano ang ibig sabihin? Kung ang ating pera ay nakasubi lamang sa bangko na nagbibigay lamang ng 0.125% bawat taon at ang inflation rate averge ay nasa 4% talong talo ang ating mga pera.

Ano ang nararapat gawin? Dapat maghanap ng mga bangko at investment instrument na nagbibigay ng mas mataas kaysa sa inflation rate katulad ng Pag-ibig Mp2 na noong nakaraang taon ay nagbigay ng 6.12% na dibidendo. (Aries Baloran, RFP)

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4]

Liza Bueno, nag-iisang kandidatang Pilipina bilang Konsehal sa Roma Capitale

Gaano katagal ang validity ng Green Pass?