in

Dalawang Pilipina, kandidato bilang Konsehal sa Inzago Milan

Maraming mga Fil-Italians ang kumakandidato sa nalalapit na Elezioni Comunali 2021 sa Italya sa nalalapit na Oct 3 at 4, 2021.

Kabilang na dito ang dalawang Pilipina na kumakandidato bilang konsehal sa Inzago, isang Comune sa North Milan na may 11,232 residente. Sila ay sina Anabel Mayo at Menchu Ebora Calingasan. 

Anabel Mayo, 60 anyos tubong Luzon, 33 taon na sa Italya at kasalukuyang residente sa Inzago. 

Nagsimula noong 2009 bilang boluntaryo at hanggang sa ngayon ay aktibo pa rin sa mga asosasyon. Partikular, si Mayo ay isang Councilor at Treasurer ng Associazione Città Mondo, kasalukuyang presidente ng asosasyong I Colori del Mondo d’Adda at unang Presidente ng Consulta di Volontariato di Comune di Inzago

Bukod dito, si Mayo ay Presidente ng Milan Lady Eagles Club 2021 ng Philippine Fraternal Eagles at isa din sa mga Board of Directors ng Enfid (European Network of Filipino Diaspora) EU at isa sa mga Founding Member ng Enfid Italy

Taong 2016 ay pinarangalan bilang isa sa 100 Most Influential Filipina sa buong mundo. Ang Global FWN100™ Award ay isang international award na ibinibigay sa mga piling Pilipina sa buong mundo taun-taon. Pinarangalan din si Mayo sa Palazzo Stellina ng parehong taon dahil sa kanyang pagsusumikap maitaguyod ang integrasyon ng mga dayuhan sa Italya. 

Ang mga karanasan ni Mayo ay patuloy na magsisilbing inspirasyon sa mas mahaba pang tatahaking mundo ng pagiging boluntrayo. Nananatili ang kanyang hangaring maglingkod sa komunidad upang higit itong ipakilala sa host country: “Ang Filipino migrants ay mayaman sa kultura at puno ng lakas at talino hindi lamang bilang mga domestic workers”, pagtatapos ni Anabel. 

QR Code ng Lista Civica Inzago Merita D+

Menchu Ebora Calingasan, tubong Batangas City at 27 taon ng naninirahan sa Inzago. Bilang isang event organizer, marami at sari-saring pagdiriwang ang kanyang inorganisa kung saan naitataguyod at pinagtitibay ang filipino identity at culture sa bagong henerasyon. Bagaman nagkaroon ng pagkakataong makasalamuha ang mga taong kilala sa politika at entertainment hindi nalilimutan ni Calingasan ang pagbibigay tulong sa higit na nangangailangan hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa Italya, katulad ng Charity event ng Unicef noong 2018 sa Vigevano.

Layunin ni Calingasan na ipakilala hindi lamang sa Italya kundi pati sa ibang bansa ang mahalagang papel ng mga migrante na naninirahan at nagta-trabaho sa hindi sariling bansa. Kasama na dito ang mapalitan ang imahe bilang mga domestic workers ng mga Pilipino sa buong mundo sa kabila ng pinag-aralan sa Pilipinas. 

Anila, ang suporta ng Filipino community sa nalalapit na halalan ay malaki ang maitutulong sa pagsusulong ng kanilang mga programa para sa buong komunidad. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 3]

Prova o probation period sa domestic job, paano at gaano katagal?

Singil ng kuryente at gas, tuloy sa pagtaas simula Oktubre sa Italya