in

Singil ng kuryente at gas, tuloy sa pagtaas simula Oktubre sa Italya

Tuloy ang pagtaas sa bayarin ng kuryente at gas sa Italya. Simula Oktubre 2021, ay tataas ng 29.8% ang singil sa kuryente at 14.4% naman ang singil sa gas. 

Isang pagtaas na maaaring naging mas malaki pa kung hindi naglaan ang gobyerno ng 3.5 bilyong pondo upang mabawasan ang pagtaas sa bayarin. Sa katunayan, unang inanunsyo ng Minister of Ecological Transition Roberto Cingolani ang pagtaas sa singil ng 45% sa kuryente at 30% naman sa gas na na tinatayang aabot sana hanggang €500,00 kada pamilya sa loob ng isang taon. 

Matapos ang inaprubahang decreto ng gobyerno noong nakaraang linggo, ayon sa mga consumers association, ang pagtaas ay posibleng umabot din mula € 300 hanggang € 355 kada pamilya sa buong taon.

Para sa kuryente ng taong 2021, ang singil para sa isang pamilya ay tinatayang humigit-kumulang sa €631, may pagtaas ng 30% kumpara noong 2020, katumbas ng halos € 145 sa isang taon. Ito ay batay sa kalkulasyon ng huling pagtaas. 

Samantala, ang average expenses ng isang pamilya sa singil sa gas ngayong 2021, ay tinatayang halos €1.130, may pagtaas ng 15% kumpara noong nakaraang taon, katumbas ng pagtaas ng € 155 sa isang taon. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Dalawang Pilipina, kandidato bilang Konsehal sa Inzago Milan

Ako ay Pilipino

Mga dapat malaman ukol sa Booster dose kontra Covid19 sa Italya