in

Ang resulta ng Elezioni Comunali 2021

Umabot lamang sa 54.69% ng kabuuang bilang ng mga botante na halos 12 milyon ang bumoto sa katatapos lamang na Elezioni Comunali 2021. Ang turnout ng partesipasyon ay mas mababa ng halos 7 puntos kumpara sa eleksyon noong 2016 kung saan 61.58% ang mga bumoto sa isang araw na eleskyon. Tinatayang isa sa bawat dalawang botante ay hindi bumoto sa katatapos lamang na eleksyon.

Panalo sa Elezioni Comunali ang mga kandidato ng centrosinistra sa Milano, Napoli at Bologna. Tanging sa Calabria lamang nanalo ang kandidato ng centrodestra. Samantala, magkakaroon ng ikalawang eleksyon o ‘ballottaggio‘ sa Roma, Toriono at Trieste

Sa Milano ay reelected si Mayor Beppe Sala na nakakakuha ng 57.4% ng mga votes. Mas mataas ang consensus na natanggap ni Matteo Lepore sa Bologna at umabot ng 61.8% na sinuportahan din ng PD at M5S. Kahit ang bagong alkalde ng Napoli Gaetano Manfredi ay nakatanggap din ng 61.8% ng mga boto. 

Ang ‘ballottagio’ ay magaganap sa Roma, sa pagitan ni Enrico Michetti, ang kandidato ng centrodestra at Roberto Gualtieri, ang kandidato ng centrosinistra; sa Torino sa pagitan ni Stefano Lo Russo, ang kandidato ng centrosinistra at Paolo Damilano, ang kandidato ng centrodestra; at sa Trieste sa pagitan ni Roberto Dipiazza, ang kandidato ng centrodestra at Francesco Russo, ang kandidato ng centrosinistra.

Ang ‘ballottaggio’ o ikalawang eleksyon ay ginagawa sa Italya kung walang kandidato ang umabot sa majority ng mga boto (50% + 1 ng mga boto), ang dalawang kandidato na mayrong pinaka mataas na boto ay magkakaroon ng ‘ballottaggio’ at samakatwid ay muling magkakaroon ng botohan,sa ikalawang pagkakataon ang mga kandidato bilang alkalde ngunit hindi kasama ang mga lista. Ang sinumang malampasan ang 50% ng consensus ay ang mahahalal na bagong alkalde. Ito ay nakatakda sa Oct 17 at 18

Sa ibang autonomous region ang Eleziono Comunali 2021 ay magaganap pa lamang. Sa Sicilia at Sardegna ay nakatakda sa Oct 10 at 11 at sakaling magkaroon ng ‘ballottaggio’ sa oct 24 at 25. Sa Trentino-Alto Adige naman ay sa Oct 10 at sakaling magkaroon ng ‘ballottaggio’ sa Oct 24. 

Samantala, kailangang maghintay ng ilang araw para malaman ang resulta ng eleksyon para sa mga Pilipinong kandidato bilang konsehal sa mga pangunahing lungsod sa bansa. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Digital Idenity, para sa access sa website ng Agenzia dell’Entrate

Board ang lodging: kailan binabayaran sa domestic job