Inaprubahan ng Ministry of Health at Ministry of Infrastructure and Transport ng Italya ang isang ordinansa upang i-update ang anti-covid protocols sa mga public transportation na unang ipinatupad noong nakaraang Marso.
Narito ang ilan sa mga pangunahing probisyon ng ordinansa
Train
Mas mainam na suriin ang Green pass sa mga pangunahing railway hubs tulad ng Milano Centrale, Roma Termini, Firenze Santa Maria Novella at iba pang istasyon bago sumakay ng tren. Kung hindi posible, ang pagsusuri ay maaaring isagawa ng on-board staff kasabay ng pag-verify ng tiket.
Sa kasong may pasahero na may sintomas ng Covid, ang train police at/o health authority ay maaaring magpasya, matapos masuri ang kondisyon, na pahintuin ang tren o ang maglaan ng angkop na lugar para sa pasyente. Ang tren ay kailangang i-sanitized bago muling tumakbo.
Local Public Transport
Unti-unting magsisimula ng pagbebenta at pagsusuri ng tiket sa mga bus at tram. May posibilidad na magamit na ulit ng mga pasahero ang front door. Maglalagay ng protective separator para sa lugar ng driver. Ang mga bus at tram ay dapat na ma-sanitized kahit isang beses sa isang araw.
Taxi at NCC
Ang mga upuan sa likuran ay hindi dapat magkaroon ng higit sa dalawang pasahero maliban kung miyembro ng parehong pamilya. Sa loob ng sasakyan ay posibleng maglagay ng partision sa pagitan ng driver at pasahero.
Goods transport
Kung walang mask, ang mga driver ay dapat manatili sa loob ng sasakyan. Ang ibang operator naman ay dapat na magsuot ng mask tuwing bababa at magkakaroon ng transaksyon.
Ang paglo-load/paga-unload ng mga produkto ay kailangang gawin ng ligtas at sa paraangwalang direktang ugnayan sa pagitan ng mga operators at driver. Inirerekomenda ang paggamit ng online o no contact na paraan ng pagbabayad.