Pinag-aaralan ng gobyerno ng Italya ang mga karagdagang paghihigpit para sa mga hindi bakunado. Ngunit ito ay sa kaso ng pagbabago ng kulay lamang ng mga Rehiyon: mula bianca sa gialla, arancione o rossa. Mandatory vaccination, hindi kinokonsidera.
Ngayong hapon ay gaganapin ang pagpupulong sa pagitan ng gobyerno at ng mga rehiyon. Ito ay upang pag-usapan ang mga bagong hakbang para pigilan ang epekto ng fourth wave ng Covid19 sa bansa. Sa nakatakdang Konseho ng mga Ministro, ay posibleng pagbotohan na ang ilang mga hakbang para sa Super Green pass.
Ang ‘super Green pass’, ang bagong green pass ay inaasahang magsisimula sa Disyembre. Ito ay isang uri ng pinahigpit na green pass para sa mga no vax. Layunin nito ang protektahan o ang gantimpalaan ang mga bakunado. Narito ang mga detalye.
Ang super Green pass
Ang Palazzo Chigi ay nakatalagang talakayin ang mandatory booster shot para sa ilang mga kategorya. Pangunahing kategorya ang mga doktor, guro at mga alagad ng batas. Kasama din ang pagbabawas sa panahon ng validity ng mga Covid tests at ng Green pass.
Gayunpaman, isang bagay ang sigurado. Karagdagang paghihigpit sa mga hindi bakunado na maaaring hindi ipatutupad sa mga public transportation at mga offices. Layunin ang hindi pahintulutan ang mga no vax sa mga social aggregations tulad ng cinema, theaters at mga restaurants.
Ito ay upang maiwasang maganap ang babala ng mga eksperto. Anila posibleng maging triple ang mga kaso ng Covid19 – mula 10,000 sa 30,000 kada araw. Plano ng gobyerno ang bawasan ang validity ng Green pass at mga Covid tests.
Gayunpaman, sa kasalukuyan ay hindi kinokonsidera ang mandatory vaccination para sa lahat. (PGA)