in

PaRC, ano ito at bakit tinututulan ng mga Pilipino sa Italya?

Kasabay ng pagbangon ng mga Pilipino mula sa kalbaryong sanhi ng pandemya ay ang pagkakaroon ng e-Passport Renewal Center o PaRC para sa renewal ng mga pasaporte sa Italya, sa pamamagitan ng third party agency, ang BLS International

Ano ang e-Passport Renewal Center o PaRC? 

Ang BLS International na isang pribadong ahensya ay ang kasaluyang e-Passport Renewal Center o PaRC. Ito ay nagsisilbing attached office ng Embahada ng Pilipinas sa Roma para sa renewal ng mga pasaporte ng mga Pilipino sa ilalim ng jurisdiction ng PE Rome. 

Noong nakaraang September ng taong kasalukuyan, inanunsyo ng BSL International na sila ang service provider na napili ng Department of Foreign Affairs para mag-proseso sa renewal ng mga pasaporte ng mga Pilipino sa Italy, Qatar at Malaysia. Layunin sa pagkakaroon ng pribadong ahensya ang mapabuti umano ang mga serbisyo (na dapat ay ibinibigay) ng Embahada. 

Kaugnay nito, sa pamamagitan ng isang Pabatid, inanunsyo ng Embahada ng Pilipinas sa Roma na simula October 22, 2021 ang mga nais mag-renew ng kanilang pasaporte ay maaaring mamili kung nais mag-aplay alinman sa Embahada ng Pilipinas sa Roma o sa PaRC. Gayunpaman, ang mga bagong aplikasyon, panibagong aplikasyon (lost passport), aplikasyong may dapat baguhin sa mga detalye sa pasaporte, ay tanging Embahada lamang ang maaaring tumanggap.

Passport Renewal sa pamamagitan ng BLS International, bakit tinututulan?

Dismayado ang mga Pilipino sa Roma at South Italy at umani ng batikos, galit, pagtutol at protesta sa social media ang bagong service provider na BLS International para sa renewal ng mga pasaporte dahil sa mga sumusunod na dahilan: 

  1. Karagdagang gastusin ito para sa mga Pilipinong nagsisimulang tumayo sa patuloy na paghagupit ng pandemya. 

Bukod sa Passport renewal fee na nagkakahalaga ng € 54,00, ang renewal sa PaRC ay may karagdagang Fees: Passport Revolving fee € 4,50 at ang Convenience fee € 35. Bukod pa ang karagdagang Shipping Fee (kung kinakailangan) na nagkakahalaga ng € 40,00. Ipinapaalala ang Appointment fee na € 20,00 na binabayaran naman ng ilang Pilipino sa mga Patronato o Caf na nahihirapan sa pagkuha ng appointment online.

2. Privacy. Nangangamba din ang mga aplikante sa panganib na hindi mapangalagaan ang integridad ng mga datos na tinataglay ng mga pasaporte na pinangangalagaan ng Data Privacy law. May posibilidad ng identity theft. 

3. Tuluyang mawawala ang Mobile Outreach sa iba’t ibang mga syudad na malaki sana ang naibibigay na ginhawa nito sa mga pangangailangang konsular ng mga Pilipino na malayo sa Embahada.

4. Tungkulin ng Gobyerno sa kanyang mamamayan ang serbisyong publiko na dapat ay ibinibigay at pinaghuhusay ng Embahada (hindi lamang ang diplomatic issues). Hindi dapat pribado, komersyalisado at hindi dapat ipinauubaya sa isang 3rd party agency

Bagaman, isang opsyon ang pagre-renew sa PaRC, maraming mga Pilipino ang napipilitan at pikit-matang nagre-renew sa BLS dahil sa kahirapang makakuha ng online appointment. Isang bagay na iniangal na ng mga Pilipino at iniulat ng Ako ay Pilipino noong nakaraang Marso. Sa kasamaang palad, ito ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. At ang tanging solusyon ng Department of Foreign Affairs ay gawing pribado ang dapat sanay mga serbisyong publiko! (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 12 Average: 4.3]

Pinoy, sinaksak sa harapan ng Rimini station

B1 level sa Italian citizenship, paano patutunayan? Sino ang mga exempted dito?