Inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro ang dekreto na naglalaman ng mga pagbabago sa regulasyon ukol sa Green pass at ang pagpapatupad ng Super Green Pass. Layunin nito ang bigyan ng higit na ‘kalayaan’ ang mga bakunado at mga gumaling sa sakit na Covid19. Ito ay ipatutupad simula Decemebr 6 hanggang January 15, 2022 at handang palawigin kung kinakailangan.
Narito ang buod ng bagong dekreto.
Simula December 15, mandatory ang Covid19 vaccination sa lahat ng mga admistrative staff ng lahat ng mga health facilities, lahat ng mga guro at lahat ng mga administrative staff sa mga paaralan, military at sa lahat ng mga kapulisan.
Mandatory din ang booster dose sa lahat ng mga health workers.
Basic Green Pass
Ang Basic Green pass ay ibibigay sa mga sumailalim sa tampone: antigenico o molecolare.
Simula December 6, ang basic o normal na Green pass ay mandatory sa mga:
- hotels,
- spogliatoi o changing rooms sa sports activities,
- regional trains at
- local public transportation.
Super Green Pass
Ang Super Green pass ay ipatutupad simula Decemebr 6 hanggang January 15, 2022. Ito ay nakalaan lamang para sa mga bakunado at mga gumaling sa Covid19. Ang validity nito ay 9 na buwan sa halip na 1 taon.
Ang access sa mga spettacoli, sports events, bar at dine-in restaurants, parties at disco, public ceremonies ay pahihintulutan sa zona bianca at zona gialla, sa mga mayroong Super Green pass lamang.
Color code ng mga Rehiyon
Simula December 6, 2021 hanggang January 15, 2022 ay magkakaroon ng mga bagong transitional rules para sa color coding ng mga Rehiyon batay sa bilang ng mga kaso ng Covid.
Magpapatupad ng karagdagang limitasyon sa zona arancione para lamang sa mga walang Super green pass. Samakatwid, higit na kalayaan para sa mga bakunado at mga gumaling sa Covid19.
Paghihigpit sa sistema ng control
Sa loob ng 3 araw mula sa pagkakaroon ng bisa ng dekreto, ang mga Prefect ay makikipag-ugnayan sa Provincial Committee for Public Order and Security upang magpapatupad ng new control plan.
Regulasyong nananatiling balido at hindi binago
Ang pagsusuot ng mask ay hindi mandatory sa outdoors sa zona bianca.
Mandatory naman sa indoors at ourdoors sa zona gialla, arancione at rossa.
Samantala, mandatory din ang pagdadala palagi ng mask sa lahat ng mga lugar at ang isuot ito sa kaso ng assembramento o pagkakaroon ng maraming tao.
Nananatili din ang validity ng mga tampone: antigenico at molecolare. (PGA)