Ang dating carta soggiorno na ibinibigay sa mga non-Europeans na naninirahan sa Italya na hindi bababa sa limang taon at nakakatugon sa mga requirements tulad ng kita at pagiging integrated sa sosyedad, ay pinalitan na ng permesso UE per soggiornanti di lungo periodo o EC long term residence permit, matapos ang pagkakaroon ng bisa ng legislative decree 30/2007.
Kaugnay nito, kahit ang kondisyon sa pagkakaroon ng ‘bagong’ uri ng permesso di soggiorno ay pareho, hindi lamang ito tumutukoy sa pagpapalit ng tawag o pangalan, ito ay nagbibigay din ng mas maraming karapatan sa nagmamay-ari nito.
Basahin din:
Karapatang manatili ng mas mahabang panahon at ang posibilidad na magtrabaho sa ibang bansa ng EU
Bagaman ang dating carta di soggiorno ay isang eksklusibong dokumento na pangunahing nagpapahintulot sa pananatili at pagta-trabaho sa Italya, ang permesso UE ay pare-pareho sa lahat ng mga bansa sa Europa (maliban sa ilang mga pagkakaiba) at nagbibigay ng karapatang manirahan sa ibang bansa sa EU ng higit sa tatlong buwan. Nagpapahintulot din itong magkapagtrabaho sa ibang bansa sa EU.
Ito ay posible, anuman ang regulasyon ng pagpasok sa bansa. Halimbawa sa Italya, anuman ang kundisyon sa pagkakaroon ng decreto flussi taun-taon, para sa pagpasok bilang manggagawa.
Sa kasong magnanais na manirahan sa ibang bansa sa EU, ang EC long term residence permit holder, ay kailangang mag-request ng permesso di soggiorno sa ikalawang bansa (para sa trabaho, pamilya, pag-aaral), sa loob ng tatlong buwan mula sa pagpasok dito, ayon sa batas ng bansang napili.
Karapatan ng mga miyembro ng pamilya ng EC long term residence permit holder na manirahan sa ikalawang Member State
Kung ang holder ay nagnanais na manirahan sa ibang bansa sa EU na higit sa tatlong buwan, kahit ang kanilang miyembro ng pamilya, tulad ng asawa at anak na menor de edad, ay maaari ring manirahan dito. Sila ay bibigyan ng pahintulot batay sa regulasyon ng bansang ito.
Karapatang matanggap kahit sa ibang bansa ng EU ang mga karapatang kinikilala sa bansa kung saan long term resident
Ang dayuhan na pinagkalooban ng nabanggit na dokumento alinsunod sa dating artikulo 9 ng T.U. Immigration sa Italy, ay matatanggap din sa ibang bansa sa EU kung saan nagnanais na manirahan at magkaroon ng ibang permesso di soggiorno, ang parehong mga karapatan na natatanggap sa Italya.
Basahin din:
Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang nabanggit na permesso di soggiorno, tulad ng dating carta di soggiorno, ay maaaring bawiin o pawalang-bisa sa kasong ang pagliban sa Italya ay higit sa 12 magkakasunod na buwan o may kabuuan ng 6 na taon.
Indefinite ang validity ngunit may indikasyon ng 10 taon para sa paga-update
Tulad ng carta di soggiorno, ang EC long term residence permit ay walang limitasyon ang validity o indefinite. Ngunit simula 2021, ito ay may indikasyon ng 10 taong validity mula sa releasing nito. Ito ay hindi tumutukoy sa expiration ng nasabing dokumento ngunit panahon para sa paga-upadte ng datos ng nagmamay-ari nito. (Atty. Federica Merlo)